Ekonomista na ba si VP Leni Robredo?
Jerry Yap
November 21, 2016
Opinion
NAGSASALITA ba si Vice President Leni Robredo batay sa kanyang sariling pagsusuri o mayroon lang siyang ‘urot’ na adviser na nag-uutos na magpahayag nang ganito o ganoon?
O umepal ‘este nag-feed lang ng praise ‘este press release ang kanyang media group na bigla namang kinagat ng ilang reporter?!
Hindi nga nag-beat ang inyong lingkod, pero marunong naman tayong magbasa at ‘yung tinatawag na “reading between the lines.”
Sabi sa isang pahayagan (hindi po tabloid at lalong hindi sa HATAW), “Marcos burial imperils Ph growth says Leni.”
Wattafak!?
Sinabi raw ito ni VP Leni bilang keynote speaker sa Philippine Investment Retail Conference.
Siyempre kung nagnenegosyo ang isang tao, importante ang balitang ito, kaya binasa ng inyong lingkod.
Pero wala po tayong nakitang lohikal na numero o matibay na basehan kung paano naiugnay ‘yung libing ni Marcos sa Philippine economic growth.
Gusto nating itanong kay VP Leni, noong nailibing na ba ang dating Pangulo na si Ferdinand Marcos, tumigil na rin sa pagkonsumo ang mga consumer?
Pinag-usapan ba nila sa Philippine Investment Retail Conference, na dahil inilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos ay hindi na hahango ng produkto ang mga retailer sa wholesaler?!
Kung pinag-usapan nila ‘yan o sinabi o iniudyok ‘yan ni VP Leni sa nasabing conference, ibig bang sabihin na iyan ang basehan niya nang sabihin niyang,
“The risks we face now as a country have to do with divisiveness and senseless disregard for rule of law.”
Heto pa, “There are sectors in our society who insisted on carrying out this act, and therein lay the risk. Such divisiveness and political turmoil distract our economy from the work that would bring growth.
“And ultimately, it is those that are at the fringes of the economy—the last, the least, and the lost—who are the most vulnerable.”
Madam Leni, hindi pa naililibing si Makoy, tumataas na ang dolyares at bumababa na ang piso.
‘Yung sinasabi ninyong economic growth noong panahon ni PNoy, baka kayong mga taga-Liberal Party at mga kaanak lang ninyo ang nakaranas at nakapagpasasa?!
Sa mga Pinoy na umaasa sa kakarampot na kita mula sa kanilang araw-araw na pagtatrabaho, hindi nila maikonekta sa bituka nila kung ano ang ibig sabihin ng ‘growth’ na ‘yan?
Baka naman ‘growing poverty’ ‘yan at hindi ‘growth’ ang ibig sabihin po ninyo?
Magkaiba po ‘yung growing poverty at economic growth — pareho lang may grow.
Hehehe!
Anyway, pakisita at pakibatukan kung sino man sa adviser, speech writer o media people mo ang nag-utos sa iyo na basahin mo ang ganyang klaseng speech.
Walang sustansiya?!
Maliban, kung ‘yung mga alyado ninyong dilawan ay nag-uudyok na gamitin ang isyu ng Marcos burial para guluhin ang administrasyong Duterte?!
Ano sa palagay ninyo Madam Leni?! Hindi ka ba naman ‘nasusubuan’ ng mga kargadong impormasyon?
Ingat-ingat din VP Leni and be wise!
VIP TREATMENT ALA-NBP
SA BI DETENTION CENTER
(ATTENTION: SOJ
VITALIANO AGUIRRE)
Habang ang lahat ay nakatutok sa anomalya ng droga at tarahan diyan sa National Bilibid Prison (NBP), hindi rin daw pahuhuli sa kanilang karaketan ang ilang personalidad sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility diyan sa Bicutan!
Kung meron daw Jaybee Sebastian na itinuturing na VIP sa Bilibid, meron din naman daw silang “BRYAN CHUA” na kasalukuyang nag-i-enjoy ng VIP treatment mula sa ilang opisyal ng BI detention center?!
Malaya raw na nakalalabas ng kanyang selda itong si Bryan Chua na napag-alaman natin na isang bigtime Korean contractor.
Involved umano sa Yolanda housing projects sa Tacloban. Nagkataon na ‘fugitive’ pala sa bansang Korea si Bryan Chua na nasakote noon sa NAIA sa kanyang huling biyahe papasok sa Filipinas.
Bukod sa malayang paglalabas-pasok sa kanyang selda, madalas na kahalubilo ng mga nagbabantay doon na BI Civil Security Unit (CSU) personnel.
Kasabay din daw sa kanilang tanghalian at hapunan!
Sonabagan!!!
Wala raw magawa ang mga nakakakitang kapwa dayuhang preso sa tinatamasang pribilehiyo ng isang Bryan Chua riyan.
Hindi raw kasi nila kayang sabayan sa paggastos dahil wala naman daw silang pambili ng mga pagkain galing sa “KFC at Jollibee” na paboritong lantakan nitong si Bryan Chua kasama ang kanyang mga bantay.
Wattafak?!
I’m sure hindi lang lafang o tsibog ang pakinabang diyan. Kundi pitsa, gamit at kung ano-ano pa!
Hindi lang daw sa pagkain nila kasabay ang nasabing pugante. Maging sa panonood ng telebisyon ay kasama rin nila ang kumag.
Punyemas!!!
Aba talagang super ha?! Super VIP treatment nga! Meron din umanong isolated room si Bryan Chua.
Doon siya nagsosolo sa halip na kasama ang ilang detainees!
Ano pa nga ba?! Nag-aalala tuloy ang mga hindi sumasang-ayon sa ginagawa ng mga protektor sa Koreano dahil malaki ang posibilidad na makatakas o patakasin.
SOJ Vitaliano Aguirre, hindi pa po tapos ang problema niyo riyan sa NBP. Baka bigla po kayong magulat, Sir, kung dito sa BI-Warden’s facility naman ang magkaroon ng panibagong eskandalo!
Baka po puwede ninyong paimbestigahan ang mga taong involved sa protection raket na ‘yan!
HUWAG TANGKILIKIN ANG KOLIN
AIRCONDITIONING PRODUCTS
Halos dalawang linggo na ang nakararaan nang mangako ang kompanya ng Kolin airconditioning na darating ang spare parts ng unit na nabili sa kanila ng isa nating Kabulabog.
Pero imbes, spare parts at mekaniko ang dumating sa kabilang bahay, nakatanggap sila ng tawag sa telepono.
Hindi pa raw dumarating ‘yung spare parts. Hinihintay pa nila kaya magtiis daw muna.
Hintay pa raw ulit ng dalawang linggo?!
Wattafak!? Ibig sabihin ‘yang Kolin ay walang spare parts dito sa Filipinas?! ‘E kung walang spare parts, bakit hindi palitan ‘yung unit na under warranty pa?!
Mukhang ayaw tumupad sa kanilang mga responsibilidad at pananagutan ang KOLIN.
Magaling lang magpalusot!
Paging DTI!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap