Monday , December 23 2024

Ang babae sa Septic Tank 2, Vince and Kath and James at Die Beautful top 3 sa festival (Forecast sa MMFF 2016!)

MARAMI ang desmayado sa hindi pagkakapasok sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival ng Pak Pak Ganern nina Vice Ganda at Coco Martin, Enteng Kabisote 10 ni Bossing Vic Sotto at Mano Po 7 na pinagbibidahan naman ni Richard Yap dahil ang nangibabaw ngayong taon ay Indie films.

At dahil alam naman natin na bihira lang sa mga ganitong tema o klase ng pelikula ang kumikita, marami ang nagsasabi na baka hindi gaanong tangkilikin ng mga tao specially ng mga bata ang nasabing festival.

Every year kasi ay nasanay na ang mga bata na makapanood sila ng pelikula ni Bossing at Vice. Pero positibo naman daw ang mga producer ng walong pelikulang napili dahil dekalidad ang handog nilang mga proyekto at susuportahan din sila ng ating moviegoers.

By the way, narito ang forecast ng nakararami para sa magiging Top 3 sa MMFF at mangunguna rito ang Ang Babae Sa Septic Tank 2, Forever Is Not Enough ni Eugene Domingo; papangalawa ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros; at pasok sa No.3 spot ang Vince and Kath and James nina Julia Barretto, Ronnie Alonte at Joshua Garcia.

Narito ang limang entries na kasali sa MMFF ang Saving Sally, Oro, Seklusyon, Sunday Beauty Queen at Kabisera ni Nora Aunor.

Let’s support these 8 good films gyud!

Trabaho muna bago kasal
SA DANRICH LOVE TEAM,
BE MY LADY MAPAPANOOD
SA KANILANG HULING LINGGO

Dahil ikinasal ang DanRich love team na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales sa kanilang morning teleserye na “Be My Lady” tanong ng invited entertainment press sa finale presscon ng dalawa na ginanap sa Le Reeve Events sa Kyusi, kung nagpaplano na rin bang pakasal ang mag-sweethearts lalo’t kitang-kitang in-love sila sa isa’t isa?

“Balak namin magtrabaho nang magtrabaho muna para makaipon kami,” sey ni Erich.

Para naman kay Daniel, kung sakaling ikasal sila ng nobyang aktres ang gusto niya, kakaiba ang motiff ng kanilang wedding,

“Our plan is a different wedding. I’m not sure if it’s gonna be really in the church or in the garden, or in a beach, tinatanong ko siya (Erich) pero waiting pa ‘yung answer.”

Ngunit higit sa lahat, nakapagbahagi ang “Be My Lady” nila ni Erich ng mahahalagang aral sa viewers. Nagsilbing inspirasyon sina Phil at Pinang at ipinakitang hindi hadlang ang pagkakaiba ng kultura pagdating sa pag-ibig. #FamilyGoals din na matatawag ang pamilya Crisostomo na nanatiling masaya at nagkakaisa sa hirap  man o ginhawa. Kahanga-hanga si Phil sa ipinakita niyang determinasyon para makuha ang puso ni Pinang sa pamamagitan ng pagdaan sa paraan ng panliligaw ng mga Filipino habang si Pinang naman ay ipinaalala sa kababaihan ang tunay na diwa ng pagiging isang dalagang Filipina.

“Nagpapasalamat po talaga ako na bahagi ako ng napakagandang programang ito. Marami po kaming feedback na nakukuha sa nagagawa ng show na pagsama-samahin ang buong pamilya kaya naman po mas inspired kami na galingan pa. Para sa amin ang pagtagal namin nang ganito katagal sa ere ay hindi lang patunay sa tagumpay ng show kung hindi isang malaking karangalan at blessing po talaga,” sabi in Erich.

“Gusto talaga naming bigyan kayo ng show na positibo, puno ng good valies, nakasentro sa Diyos, at makapamilya. Masaya kami na na-inspire namin kayo,” dagdag ni Daniel. Dahil sa impluwensiya nito sa manonood, kinilala kamakailan ang “Be My Lady” bilang Best Drama Series ng Catholic Mass Media Awards para sa mahusay na pagpapalaganap ng aral sa mga manonood.

Hindi lang mga Filipino kung hindi pati ibang lahi ay mapapanood na rin ang feel-good na kuwento ng “Be My Lady” dahil nakatakda nang ipalabas ang serye sa Kazakhstan, Myanmar, at Africa sa susunod na taon. At para sa huling Linggo ng serye tunghayan sina Phil at Pinang sa pag-uumpisa ng kanilang journey to forever sa kanilang bagong buhay mag-asawa. Uumpisahan na rin nilang bumuo ng kanilang sariling pamilya. Ano pa nga ba ang mga pagsubok na haharapin nila ngayong sila ay ganap nang mag-asawa? Mapanindigan kaya nila ang kanilang mga sinumpaang pangako sa isa’t isa?

Huwag palalampasin ang “Be My Lady,” 11:30 AM pagkatapos ng Kapamilya Blockbuters sa PrimeTanghali ng ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @bemyladyabscbn sa Twitter at Instagram o i-like ang www.facebook.com/ bemyladyabscbn sa Facebook.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *