Friday , November 15 2024

Ano mangyayari kay Kerwin Espinosa?

SA wakas ay nakauwi na kahapon sa bansa si Kerwin Espinosa, ang damuhong drug lord umano  at anak ng nasawing Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Matapos makulong sa Abu Dhabi ay inilipad si Kerwin pabalik sa bansa. Inihatid siya ng  mismong Philippine National Police (PNP) chief na si Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa bago niyang magiging piitan sa Camp Crame. Tiwala raw si Kerwin na magiging ligtas siya sa kamay ng mga pulis.

Pero ang tanong sa isipan nang marami, kung paano nakatitiyak si Kerwin na hindi niya sasapitin ang nangyari sa kanyang ama na nasawi sa kamay ng mga pulis kahit nasa loob ng piitan?

Ayon sa mga tauhan ng CIDG Region 8 ay lehitimong operasyon ang naganap. May  search warrant sila pero lumaban daw ang matandang Espinosa at pinaputukan sila kaya nauwi  raw sa barilan ang kanilang operasyon.

Tulad ni Pres. Rodrigo Duterte ay nasa panig tayo ng mga pulis dahil alam natin na  ginagampanan nila ang kanilang tungkulin laban sa mga damuhong sangkot sa ilegal na  droga.

Pero kinuwestiyon ng ilang senador kung bakit kinailangan pang gumamit ng search warrant ng CIDG samantala nakakulong na ang kanilang pakay?

Bakit walang koordinasyon na isinagawa ang mga pulis sa mga tauhan ng piitan sa pagpapatupad ng kanilang operasyon laban sa alkalde?

At ang higit na kataka-taka ay kung bakit nagpatawag agad sila ng SOCO nang mahigit  kalahating oras bago pa mamatay ang matandang Espinosa? Alalahanin na ang SOCO ay  ipinatatawag kung may patay sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Sinibak ni Dela Rosa sa puwesto ang 24 miyembro ng CIDG na naging bahagi ng  operasyon kay Espinosa. Umaasa tayo na mabibigyan ng makabuluhang paliwanag ng pulisya  ang mga tanong.

Isang buwan bago nasawi ang alkalde ay gumawa ng affidavit sa Albuera police at pinangalanan ang mga hinayupak umanong kasabwat at protektor ng kanyang anak sa operasyon  sa ilegal na droga.

Ang masaklap nga lamang ay nabahiran ito ng kontrobersiya nang may nagsabing “ready-made” raw ang affidavit at pinirmahan ng nasawing Espinosa.

Pero ang mahalaga ay narito na si Kerwin at puwede niyang bigyan ng linaw ang lahat ng  katanungan kaugnay ng ilegal na negosyo niya sa bawal na droga.

Kung nais talaga ng gobyerno na makilala at mapangalanan ang mga opisyal ng pamahalaan na nagsisilbing protektor ni Kerwin, mga mare at pare ko, ay dapat nilang tiyakin ang kaligtasan ni Kerwin upang makapagsalita at mailantad ang katotohanan.

Tandaan!

BULL’s EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *