Marami ang nagpoprotestang mamamayan ng US dahil nanalo si Donald Trump laban kay Hillary Clinton nitong nagdaang pampanguluhang eleksiyon sa Amerika.
May mga kakilala rin ako rito mismo sa atin na ayaw kay Trump dahil mas gugustuhin nila sa si Clinton ang nakaupo sa White House. Pero may palagay ako na baka hindi lamang nila masyadong kilala si Aling Hillary.
Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin ay wala akong mapipili sa kanilang dalawa dahil pareho kasing may mga isyu laban sa kanila. Pero kung halimbawang kailangan talagang pumili ako ay si Trump ang pipiliin ko.
Isa lang ang aking dahilang kung bakit si Trump, kasi malaki ang posibilidad na makikipagkasundo siya kay Vladimir Putin ng Rusya tungkol sa usapin ng giyera sa Syria, kung pagbabata-yan ang kanyang mga sinasabi noong panahon ng kanyang pangangampanya. Kung sakali, ang balaking hakbang na ito ni Trump ay papalayo sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig, isang giyera na maaaring ikaubos ng sangkatauhan.
Kung si Aling Hillary ang nanalo ay sinasabi niyang magpapatupad siya nang tinatawag na “no fly zone” sa Syria at ipagpapatuloy niya ang “freedom of navigation” sa South China Sea. Ito ay mga mapanghamon na kilos laban sa Rusya at Tsina na tiyak na magiging mitsa nang isang pandaigdigang digmaang nukleyar.
Ano na lang ang sasapitin natin kung saka-ling nagbakbakan ang mga Amerikano at Tsino sa South China Sea? Naniniwala ba kayo na hindi tayo maaapektohan ng giyera nila gayong may mga puwersang Amerikano sa ating bansa.
Marami ang may palagay na isang war monger si Hillary. Sinasabing malaki ang naging bahagi niya sa kaguluhang nagaganap ngayon sa Libya at iba pang bahagi ng Mena (Middle East at North Africa).
Bukod sa Amerika, Rusya at Tsina ay tiyak na masasangkot din ang Iraq, Iran, mga bansa sa Gitnang Silangan, Ukraine, mga bansa sa Central at Latin Amerika, at mga bansa sa Silangan at Kanlurang Europa. Malawak ang magiging saklaw ng digmaan at higit na mas marami ang mamamatay kompara sa mga nagdaang digmaan sa mundo.
Maraming masasabing hindi maganda laban kay Trump pero mani lang iyon, ‘ika nga, kung ikukumpara sa mga bagay na sablay kay Hillary…
* * *
Ano na kaya ang mangyayari ngayong ang presidente na ng Amerika ay si Donald Trump? Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com
Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay.
Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com
Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.
USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK