Thursday , December 26 2024

Ramos-Enrile ang salarin?

MAGPAHANGGANG ngayon mga ‘igan, hinding-hindi raw malilimutan ng mga naging biktima ang mga pang-aabusong naganap at kanilang naranasan noong panahon ng Martial Law sa administrasyong Marcos.

Kaya naman, sa kasalukuyan, kaliwa’t kanan pa rin mga ‘igan ang mga rally at pagbabatikos kontra sa naging desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalibing kay Macoy sa Libingan ng mga Bayani. Giit ng mga panatiko ni Macoy, ang seremonyang mangyayari na (sa wakas) ay hudyat umano upang matuldukan ang mga isyu ng Martial Law.

‘Ika nga ‘e, buksan na ang puso’t isipan, upang tuluyan nang maghilom ang sugat ng mga alaala ng nakalipas tungo sa kapatawaran.

Sa usaping ito mga ‘igan, iba naman ang eksena ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ang estilo niyang tinaguriang “tabako” ay yaong parang walang kamalay-malay sa nangyari noong panahon ng “Martial Law.”

He he he…Aba’y baka naman nag-uulyanin na ang mama? Mantakin n’yong kailangan daw humingi ng tawad ang mga Marcos sa taongbayan at isauli ang perang ninakaw!

Aba, aba, aba…‘igan, hinay-hinay lang sa pagbibitaw ng mga salita at baka mabisto ang matagal na umanong nabubulok na imbakan ng bagoong!

He he he…Akalain ninyong imbes payapain ang galit ng mga biktima (kuno) ng Batas Militar at sama samang pag-isahin, aba’y siya pa ang umano’y nang-uurot para magalit kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, na siyang may nais mailibing sa Libingan ng mga Bayani si Apo Ferdinand Edralin Marcos.

Sa totoong buhay lang mga ‘igan, hindi kaya itong si Mang Fidel ang dapat na manikluhod at humingi ng paumanhin sa taongbayan? Bakit?

Sus, hindi ba’t siya ang hepe ng Philippine Constabulary at ng Integrated National Police mula 1970 hanggang 1986? Hindi ba’t ang mga ahensiyang ‘yan ang pasimuno sa mga isyung isinisigaw ng mga naging biktima ng Batas Militar?

Ang panghuhuli, ang pambubugbog at higit sa lahat ang torture sa mga kababayang lumalaban o kaaway ng gobyerno noon?

Ngayon ‘igan, maipaliliwanag ba nitong si Ramos ang naging eksena o naging papel niya sa panahon ng Martial Law sa administrasyong Marcos?

Isa pa si former Defense Secretary Juan Ponce Enrile, na siyang humawak noon sa militar.

Bagama’t pumayag si Manong Johnny na maipalibing si Macoy sa Libingan ng mga Ba-yani, may pananagutan pa rin siyang dapat harapin.

At hoy, hoy, hoy…hindi porke’t nakiisa ang Ramos–Enrile sa EDSA ay absuwelto ang dalawang mama sa mga pinaggagagawa noon sa Martial Law! Hindi ba’t may pananagutan din sila (kung saka-sakali) sa mga naging biktima ng Martial Law, at silang dapat humingi ng paumanhin sa mga kababayan nating biktima ng Martial Law?

Ano sa palagay ninyo ‘igan?

Mag-isip-isip…

Ilegal sa Plaza Lawton S/Insp. Bunayog panagutin

Sa dami na ng mga katarantaduhang nangyayari sa pusod pa man din ng makasaysayang Liwasang Bonifacio sa Lawton, aba’y magkanong halaga ba talaga at hindi kumikilos ang mga pulis-Maynila na nakatalaga sa Plaza Lawton?

Kaliwa’t kanan ang holdapan at nakawan, sus ginoo, wala man lang pulis na umaalalay sa mga nabibiktimang estudyante ng mga animal. Hayun kayo’t kukuya-kuyakoy sa malamig n’yong opisina! Hanggang kailan n’yo yayakapin ang mga holdaper, ang illegal terminal at ang illegal vendors?

‘Igan, may hangganan ang lahat. Huwag n’yo nang hintayin pa ang tamang panahon, bagkus unahin n’yo nang linisin ang bakuran ninyo.

Paging S/Insp. Robert Bunayog, Sir nasa inyo na pong mga kamay ang kaban ‘este ang laban na dapat nating gawin partikular sa Plaza Lawton.

Tulungan natin lalo ang mga estudyanteng biktima ninyo este ng masasamang elemento.

Sa mga tiwaling barangay chairman ng lungsod ng Maynila na nakikipagsabwatan sa mga tiwaling contractor ng Manila City Hall, magbalot–balot na kayo mga animal at bilang na ang mga araw ninyo sa panghuhuthot sa kabang yaman ng Maynila.

Mawawakasan na rin ang mga kawanghiyaan at katarantadohan ninyo sa samba-yanang Manilenyo.

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *