Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ang ‘frailties’ ni Sen. Leila De Lima, bow!

ASSERTIVE ang tawag kapag iginigiit ng isang tao ang kanyang ideya o katuwiran na mayroong siyentipiko at sapat na basehan.

Lalo na kung alam niyang ito ay makabubuti para sa lahat.

Spoiled brats naman ang tawag kapag maipilit kung maipilit kung ano ang gusto. Magmamarkulyo kapag hindi nasunod ang gusto. Kapag nagtagumpay na masunod ang gusto at napatunayan sa sarili na mali pala, makukuha pang bigyan ng justification ang maling ginawa/ginagawa.

Sa ganito na lang natin tingnan ang hindi mapigilang pag-amin ni Senator Leila De Lima sa aniya’y natapos nang mainit na relasyon nila ng kanyang driver/bodyguard by day lover by night na si Ronnie Dayan.

Mantakin ninyong si Mareng Winnie lang pala ang makapagpapaamin kay Senator Leila ng kanyang  sexcapades?!

Hindi natin malimutan ang tila nauumid at nahihiyang ngiti pero kumikislap na mata ni Senator Leila nang walang pamimilit at tila inamin niya kay Mareng Winnie nang sagutin niya ang tanong na kung bakit ang isang katulad niyang “so intelligent and so competent” ay pumatol o umibig sa isang driver/bodyguard na gaya ni Dayan.

Ang rasyonalisasyon ni Senator Leila ‘e: “Frailties of a woman…”

Ano ba sa Filipino ang frailties?

Marupok, mahina, babasagin? Ganoon ba ‘yun?

Why oh why Delilah ‘este Madam Leila?!

Iba ang tingin natin sa biglang pag-amin na ito ni Madam Leila.

Hindi ba ninyo napapansin na dati ay tahimik si Madam Leila tungkol sa isyung ‘yan sa kanila ng kanyang driver/bodyguard?!

092716-de-lima-dayan-nbp

Pero pagkatapos siyang sampahan ng kaso kaugnay ng illegal drugs trade sa loob ng National Bilibid Prison (NBP), at pagkatapos padalhan ng subpoena ng Senado si Dayan (na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin) kaugnay ng ilegal na droga sa Bilibid e pilit niyang ibinabalik ang isyu sa kanyang kalandian ‘este pag-ibig.

Sabi nga ni mareng Winnie, “so intelligent and so competent” pero pumatol sa isang driver/bodyguard gaya ni Dayan?

Ano kaya ang kakaibang romansa ‘este agimat ni Dayan at napaibig niya ang isang gaya ni De Lima?!

Hindi kaya bahagi na ng kanilang plano ang ganyang mga estilo para makalusot sa asunto sa ilegal na droga?!

“So intelligent and so competent” na kayang-kayang magplano kapag nalalagay sa peligro pagkatapos gumawa ng kalokohan.

Hiwalay na raw sila bago pa mag-elekisyon at mula noon ay hindi na nakita si Dayan?!

Kaya maghintay kayo dahil ang susunod na kuwento, pagkatapos ni Dayan sino ang sumunod?

At ang sumunod, at sumunod pa ulit?!

And now, may bago ba o latest?!

Huwag kayong magtaka kung bakit lalabas at puputok na naman ang isyu tungkol sa mga bawal na relasyon ni De Lima.

Dahil isang paraan ‘yan para lusutan ang mas malaking isyu na may kaugnayan siya — ang ilegal na droga.

Mas madali kasing lusutan ‘yang “frailties of a woman” kaysa protektor ng operasyon ng sindikato sa ilegal na droga at kolektor ng ganansiya mula pa rin sa ilegal na droga.

Gets ba ninyo mga suki?!

Spin ang pagpapatampok ni “unmarried wife” Leila sa isyu ng kanyang kalandian. At habang nagagawa niyang i-justify ang isyu ng bawal na relasyon, pansamantala niyang napapatay ang isyu ng droga na kung makalulusot ay tuluyan nang malilibing sa limot.

Mismo, mga suki!

‘Yan ba ang gustong mangyari ni Delilah ‘este  De Lima?

Ang makalusot!?

BAWAL TUMANGGAP
NG KAHIT ANONG REGALO
  – SEC. ART TUGADE

Kahit anong regalo, bawal daw tanggapin.

‘Yan ang mahigpit na babala ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

In any form and any kind, bawal ang kahit anong gift mula sa indibiduwal o organisasyon gaya ng vendors, suppliers, customers, employees, potential employees, at potential vendors or suppliers.

‘Yan daw ay upang maiwasan ang conflict of interest at upang manatili ang  high standard of ethics in public service.

“Bawal mag-solicit o tumanggap ng regalo. Kusa ninyong layuan ang lahat ng klaseng regalo kahit pa ito ay kusang ibinigay sa inyo (ngayong Pasko),” ani Tugade sa nakaraang flag raising ceremony sa kanilang departamento.

Mahigpit na nagbabala si Sec. Tugade na hindi niya patatawarin ang sino mang opisyal o empleyado na tatanggap o manghihingi ng regalo.

“I have a way of knowing it. Bawal tumanggap ng regalo sa opisina, sa parking lot, o sa bahay ninyo (mula sa mga government contractors),” diin ng Kalihim.

Klarong-klaro naman ‘yan na paglabag sa Republic Act (RA) No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Presidential Decree (PD) No. 46, s. 1972 (Making it Punishable to Receive, and for Private Persons to Give Gifts on Any Occasion, Including Christmas), at RA No. 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Isulong mo Secretary Tugade!

RAKET SA BI
ANGELES FIELD OFFICE
(ATTENTION: SOJ
VITALIANO AGUIRRE)

082316 angeles visa immigration passport

Tahasang kinokondena ngayon ng travel agents sa Bureau of Immigration (BI) Angeles Field office ang biglaang pagbagal ng proseso ng kanilang mga dokumento mula nang mawala ang sinasabing service fee roon.

Dati naman daw mabilis matapos ang nai-file nilang dokumento pero dahil wala na raw “GAY-LA” magmula nang naupo ang bagong administrasyon kaya biglang bumagal ngayon ang nasabing sistema.

Nasanay raw kasi sila na mabilis ang tapos ng isang transaksiyon lalo pa at deretso agad sila sa CR ng isang supermarket diyan para iabot ang napag-usapang ‘service fee!’

Wattafak?!

Isang alias JENG-JENG raw ang in-charge sa ganitong kalakaran pati ang dalawang bugoy doon na tinatawag na “DILA-KRUS” at “ROD RIGES” na pawang staff umano ng nasabing opisina.

Talagang noon pa man ay talamak na ang ganitong sistema sa BI Angeles office.

Ilang Alien Control Officer (ACO) na roon ang nagpapalit-palit at mukhang naging tradisyon na ang ganitong kalakaran.

Ang problema, since nasanay na ang mga nagpoproseso ng dokumento roon kaya naman kapag nagkaroon ng pagbabago ay agad itong naipagkokompara.

Any comment on this, BI-Angeles ACO Jun Lambino?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *