SANA mali kami sa aming vibes, na baka ma-tulad rin ang Working Beks sa naging kapalaran ng movie ni Anne Curtis na flopsina sa takilya, e kasama pa naman ang favorite naming gay actor na si John Lapus sa film.
Well wala kasing aliw factor, ang trailer ng WB na aksidente naming napanood sa Facebook dahil napapangitan kami ay hindi na kami umulit pang panoorin ito.
Sabagay kung sakaling sumemplang man sila siguro ay hindi naman malulugi nang husto ang Viva sa project nila na halata namang low budgeted. Sana magkaroon ng himala at kagatin ang nasabing obra ni Direk Chris Martinez.
Andi may bahay na courtesy ng daddy na si Nonie
LIHIM NA SAKIT IPINAGTAPAT NA
NI SYLVIA SA “THE GREATEST LOVE”
Dahil napatunayang legal siyang anak ng kilalang construction magnate na si Pedro Alcantara (Nonie Buencamino), lahat ng karapatan na da-pat ibigay kay Lizelle (Andi Eigenmann) ay ipinagkaloob sa kaniya ng daddy na si Pedro sa The Greatest Love.
Tinututukan ito tuwing hapon sa Kapamilya Gold, hindi lang ng homeviewers kundi maging sa opisina, parlor, palengke, barangay hall at iba pang pampublikong lugar.
Isa sa regalo kay Lizelle ni Mr. Alcanta ang magarang bahay kaya instant yaman ang youngest daughter ni Mommy Glo (Sylvia Sanchez) na deserved naman ng dalaga na nagpakahirap at nagsakripisyo para mahanap ang ama.
Samantala para higit siyang maunawaan ni Pedro at mabura sa isipan na pineperahan at sinasamantala niya ito ay ipinagtapat ni Gloria sa dating mister (Pedro) na mayroon siyang Alzheimer Disease.
Tulad ng ipinakikitang pagmamahal kay Lizelle ay dadamamayan rin kaya niya si Gloria na dumaraan sa matinding pagsubok ng buhay?
Abangan ang kuwento ng isang dakilang Ina sa The Greatest Love.
WISH NA PAMASKONG REGALO NG STUDIO
AUDIENCE INSTANT NA BIBILIHIN NG EB DABARKADS
Every year, nakaugalian na ng Eat Bulaga at ng mga host na mamigay ng maagang Pamasko para sa mga avid and loyal supporters ng kanilang pangtanghaling programa.
At ngayong taon, gamit ang hashtag na #GiveLoveOnChristmasDay, ang kanilang studio audience naman ang bibigyang prayoridad ng EB Dabarkads na bahaginan ng kanilang blessings. Sila ang mga kababayan natin na matiyagang pumipila araw-araw maulan man o maiinit ang panahon sa Broadway Centrum para makapanood nang live sa Broadway Studio ng favorite nilang show na 37 years nang namamayagpag sa ere.
Ang maganda rito, lahat ng nasa audience sa araw na iyon ay pasusulatin ng kanilang wish na gift, at kung sino sa kanila ang mapipili impromptu ay bibilhin agad ng nakatokang Santa Claus hosts ang item na ibibigay nila sa kanilang mga winner.
Tulad noong nakaraang Sabado, pinagkalooban ni Taki ang isang anak ng 32 inches na LED color TV para sa kanyang nanay sa probinsiya. Cash ang ibinigay ni tito Joey de Leon. Sina Alden Richards at Maine Mendoza ay kutson na may kasamang unan at punda ang pamasko kay Rona Espanona. And lastly galing rin sa sariling bulsa ang isang brand new refrigerator na may lamang grocery items at prutas mula kay BAE Miggy Tolentino para sa audience nilang si Neff Bayog.
Ang generous nila gyud!
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma