NAG-ALOK ang isang grupo ng mga indibidwal ng P1 milyon pabuya para sa impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ni Ronnie Dayan, ang dating security aide at hinihinalang bagman at lover ni Senator Leila de Lima.
Inihayag ito ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at abogado nilang si Atty. Ferdinand Topacio nitong Martes sa press conference sa Quezon City at ipinakita ang pabuyang pera.
Sinabi ni Topacio, walang ni isa mang politiko ang nagbigay ng kontribusyon para sa pabu-yang pera, aniya ito ay mula sa concerned citizens.
Ang VACC ang naatasang tumanggap ng tips hinggil sa kinaroroonan ni Dayan, habang ang reward money ay ilalagay sa “safekeeping” ng National Bureau of Investigation (NBI), aniya.
Hindi na nakita si Dayan sa kanyang bahay sa Urbiztondo, Pangasinan magmula nang tukuyin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang lover ni De Lima at idiniing may kaugnayan sa drug lords na nakapiit sa New Bilibid Prison.
( ALMARDANGUILAN )