Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot hinalay ng therapist

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong rape through sexual assault ang isang lalaking masahista makaraan halayin ang kanyang kustomer na lalaki sa Lungsod ng Baguio kamakalawa.

Ang massage therapist na suspek ay 30-anyos, habang ang biktima ay 34-anyos, may asawa.

Batay sa salaysay ng biktima, nagtungo siya sa massage center ngunit bago minasahe ay pinainom siya ng sleeping pills upang makapag-relax.

Gayonman, habang umeepekto ang sleeping pills ay naramdaman niyang hinahalay siya ng masahista kaya sinubukan niyang lumaban ngunit umepekto na ang gamot.

Nang mahimasmasan ay umalis ang biktima ngunit bumalik pagkaraan ng ilang oras at hinanap ang masahista.

Agad niyang sinuntok ang masahista bago kumuha ng isang piraso ng kahoy at pinagpapalo ang suspek. Tumigil lamang ang biktima nang awatin ng mga pulis.

Kinasuhan ng rape ng biktima ang masahista ngunit naghain din ng kasong physical injury ang suspek laban kustomer.

( ROWENA MARQUEZ )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rowena Marquez

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …