Friday , December 27 2024
OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Plaza Lawton pugad ng ilegalista, kanlungan pa ng mga holdaper at magnanakaw!!! (Sa pusod ng makasaysayang Liwasang Bonifacio at City hall)

SA pusod ng Plaza Lawton at Manila City hall, mailap ang seguridad para sa mga motorista at pedestrian.

Nitong nakaraang Biyernes, isang lisensiyadong physical therapist (PT), ang nagsisi na lutasin ang pagkabalam niya sa masikip na trapik ng mga sasakyan sa pamamagitan ng paglalakad sa Plaza Lawton para makarating agad sa kanyang paroroonan.

Bagamat matagal na niyang naririnig na mayroong matitinik at notoryus na holdaper at snatcher sa Lawton, pinaniwalaan niyang takot ang masasamang loob sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, kaya kung mayroon mang magkakalakas ng loob ay hindi gagawa nang ganitong uri ng krimen on broad daylight.

Pero, anak ng teteng, maling-mali pala ang pag-aakala ng nasabing physical therapist dahil nabiktima siya, tinutukan ng holdaper saka kinuha ang kanyang bag at ilang mahahalagang bagay, ilang oras paglipas ng katanghaliang tapat ilang hakbang bago makatawid sa P. Burgos Drive.

Sonabagan!!!

Hindi takot ang mga ilegalista, masasamang loob, lalo ang mga holdaper kay tatay Digong?!

O talaga lang malakas ang loob ng mga ilegalista, masasamang loob, lalo ang mga holdaper dahil alam nilang todo-todo ang proteksiyon (as in protek-todo) sa kanila ang mga tong-pats na awtoridad sa Plaza Lawton?!

O baka naman, talagang engot lang at pakaang-kaang ang mga pulis na ‘yan sa MPD PCP Lawton?!

O baka naman mismong narco-police sa Plaza Lawton (na hindi na makadiskarte sa ilegal na droga) ang gumagawa ng karumal-dumal na krimen gaya ng panunutok at panghoholdap?!

Hindi natin alam kung ano ang sagot diyan.

Ang makasasagot sa mga katanungang ‘yan, ‘ay ‘yung mga awtoridad na malinis ang budhi, hindi sabit sa kotong, walang tong-pats sa ilegal at hindi operator ng illegal terminal sa Plaza lawton?!

Harinawang masagot nila, kung sila nga ay mag-iimbestiga nang matuwid.

Pero, tama bang mag-imbestiga lang? Wala bang aksiyon?

Hihintayin ba ng mga awtoridad, na mga kapamilya o kamag-anak nila ang mabiktima ng namumugad na mga ilegalista, masasamang-loob at holdaper diyan sa Lawton bago sila umaksiyon?!

Manila Police District (MPD) director, S/Supt. Jigz Coronel, alam ba ninyong, natakot magreklamo sa pulis o kahit magpa-blotter man lang ang biktimang PT dahil natatakot siyang makompirma na ‘baka’ konektado ang mga ilegalista at masasamang-loob sa Plaza Lawton PCP?!

Ang saklap S/Supt. Jigz Coronel!

Alam ba ninyong dahil sa masamang karanasan na ‘yan ng nasabing PT, biglang ang daming nag-offer na tutulungan siyang ma-replace na lang ang mga nanakaw sa kanyang dokumento gaya ng iba’t ibang IDs?!

Pero ang sagot niya, “Kahit ako po, kaya kong gawin ‘yan. Ang gusto lang namin matiyak, ‘ma-dampot’ at mawalis ang mga holdaper na ‘yan na sobrang malalakas ang loob!”

In short, hinahamon ng biktima ang mga awtoridad na wala na sanang sumunod na biktima pagkatapos niya.

Ang tanong, mangyari kaya?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *