NAGSASALIKSIK na ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs para mabuo ang matrix ng Espinosa drug syndicate, pati na ang mga may interes na mapatay si Albuera Ma-yor Rolando Espinosa.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, mahalagang makita ang koneksiyon ng mga isinasangkot sa sindikato, payola list at dawit sa pagpatay sa alkalde.
Bagama’t wala pa aniyang conclusion ang Senate panel, naniniwala ang pinuno ng lupon na intensiyonal ang pagpaslang kay Espinosa.
Sa pagtawag pa lang aniya nang mas maaga sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) bago ang operasyon ay malinaw na target talagang mapaslang ang Albuera mayor.
Para kay Lacson, bilang dating PNP chief, alam niya ang mga patakaran sa pagsisilbi ng search warrant at iba pang proseso sa mga ganitong pagkilos.