BINAWIAN ng buhay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang arestado ang kanyang katransaksiyon sa isinagawang “Oplan Galugad” sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan Police chief, Sr. Supt. Johnson Almazan, dakong 8:20 pm nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-STOG) sa Macabalo St., Brgy. 37, nagresulta sa pagkamatay ng suspek na si Jefferson Enriquez, 33, makaraan makipagpalitan ng putok.
Habang naaresto sa operasyon ang katransaksiyon ni Enriquez na si Aldred Martin, 24-anyos.
( ROMMEL SALES )