Friday , November 15 2024

Ang salot

IPINAGPIPILITAN ni dating Pangasinan Rep. Mark Cojuangco na ligtas gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) o Plantang Nukleyar kahit walang maipakitang pruweba na magpapatotoo sa kanyang sinasabi.

Kasabay nito, may pahiwatig ang kasalukyang administrasyong Duterte na ibig niyang i-rehabilitate ang nasabing planta upang makapag-supply umano ng elektrisidad sa buong Luzon. Handa raw ang kasalukuyang pamunuan na gastusan pa ng karagdagang US$1 bilyon ang umaabot na sa US $2.3 bilyong halaga ng BNPP magamit lamang ito.

Totoong kailangan natin ng karagdagang elektrisidad dahil lumalaki ang ating ekonomiya pero tama ba na ang BNPP ang maging sagot dito?

Ang BNPP ay binili ng rehimeng Marcos mula sa Westinghouse noong 1976 sa halagang US $500 milyon. Umabot na ito nang mahigit dalawang bilyong US dollars sa ngayon, sa interes pa lamang na binabayaran natin. Ang BNPP ang sagot ni dating Pangulong Marcos sa oil crisis noong 1973 at sa kagustuhan ng mga Amerikano na mabigyan ng steady na supply ng elektrisidad ang noo’y Clark Airbase sa Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales.

Ang Plantang Nukleyar ay itinayo sa Napot Point sa bayan ng Morong. Ito ay nasa paanan ng Mt. Natib sa pagitan ng Philippine Fault at West Luzon Fault kaya delikado kahit sa mahinang lindol at inaasahang “Big One” ang BNPP. Malaking banta ito sa kalikasan at mga karatig pook.

Dapat din ninyong malaman na ang Mt. Natib ay isang patay na bulkan na tulad ng Mt. Pinatubo pero kahit sinasabing ito’y patay na ay wala tayong kasiguraduhan na hindi ito muling puputok.

Noong 1979, sa kautusan pa rin ni dating Pangulong Marcos, sinuri ng mga eksperto ang BNPP at natuklasan nila na may mahigit 4,000 depekto. Bukod dito, ang nuclear reactor na ginamit ng Westinghouse noong 1976 ay paso na ang teknolohiya noon pa man at hindi na pinapayagang magamit pa sa US ng mga panahong iyon.

Ito ang dahilan kaya kailangan munang i-rehabilitate ang BNPP bago gamitin.

Sa madaling salita ay para uli tayong bumili ng bagong Plantang Nukleyar kung matutuloy ang sinasabing rehab ng BNPP.

Totoong matipid ang elektrisidad na lilikhain ng Plantang Nukleyar ngunit sa laki ng ginastos na natin at gagastusin pa ay hindi na natin matatamasa ang katipiran na sinasabi ng mga may interes dito.

Bukod dito ay hindi nila sinasabi kung magkano at kung paano natin itatapon ang radioactive na dumi o mga spent rod ng planta. Hindi mura ang teknolohiya nang pag-iimbak nito at hindi naman ito maitatapon sa mga landfill.

Kaya mag-isip-isip muna bago pagpasyahan na buhayin ang salot na Plantang Nukleyar.

* * *

Pekeng pulbo sa mukha nagkalat daw ngayon sa Divisoria. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay.

Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN

ni REV. NELSON FLORES, A.B., Ll.B.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *