Monday , November 18 2024

Ate Vi, nag-iisa lang sa kanyang uri!

I am positively overwhelmed.

Iba talaga si Ate Vi. In spite of her status in

the business as the lone star for all seasons, how so very nice to know that she’s still a caring human being. So sweet and humanly caring.

Honestly, kung ang ibang hindi man lang nakarating sa kanyang naabot ay saksakan nang aarte at maatikabo ang ilusyon, how so nice to know that she’s still within the reach of everyone.

Sa tinagal-tagal ko sa show business, I’ve been around for so long, I feel so ancient. Hahahahahahahahaha!

I have yet to meet someone like her who is so down to earth and infinitely caring.

‘Yung iba, they would never give their private number. Sobrang tindi ng ilusyon nila at merong mania for privacy.

But not our dear Ate Vi.

Nang hingin ko ang number niya, she didn’t hesitate to give it to me. And since then, hindi siya nagpalit ng number.

Kung ang lesser stars as compared to her ang titindi ng ilusyon at unreachable, Ate Vi would even exchange text messages with you if she has the time.

And so far, in my thirty years in the business, she remains the paradigm of sweetness and good breeding.

Kapag nakita mo siya sa isang showbiz event, how so flattering that she greets you first whereas lesser stars would pretend not to see you and would wait for you to greet them first.

How yucky can you get! Hahahahahahahahahahaha!

Looking back, I feel so wonderful that I’ve known Ate Vi. Hindi bale na kung hindi ako kilala ng ibang artista. It gives me a good feeling that the star for all seasons acknowledges me every time I would see her.

How so flattering to know that a veritable movie queen, a most enduring one, cares for me and seemingly proud to be my friend.

NAG-REACT ANG WRITER

NA CLOSE SA MALASADONG

LINE PRODUCER!

React to death si Roldan Frias Castro at press release to the max sa mga sinusulatan niyang diyaryo na na-misqoute raw namin siya tungkol sa pagka-resounding flop ng Siphayo dahil nakahihiya naman daw sa line producer na si Ms. Denise Evangelista, the oozing with delusion line produ. Hahahahahahahahahahaha!

Okay, it was a mistake. But just the same, it doesn’t change the fact that Siphayo was, still is, a resounding flop.

Na walang nagawa ang genius ni Joel Lamangan para ma-entice ang mga taong manood sa pelikulang ito na nanalo raw ng best acttress ang lead ham actress na si Natalie Hart. Hahahahahahahahahahaha!

I’m sorry Roldan, but it was an honest mistake. As I’ve said, even you can’t refute the fact that Siphayo was an abysmal flop!

Honestly, maganda naman ang intention ni Direk Joel sa pelikulang ito. Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi pa siguro panahon ni Natalie Hart ang sumikat.

No, I take that back! Ang feeling ko nga, to be honest about it, she is destined to be a superstarlet for life.

Superstarlet for life raw, o! Hahahahahahahahahahahaha!

Saan ka naman nakakita na ipinakita na ang hiwa ay hindi pa rin tinao sa mga sinehan?

How gross! Harharharharharharhar!

Ano pa kaya ang puwede niyang ipakita sa susunod niyang pelikula?

I hate to say this but I’d rather not!

I’d rather not raw, o! Hahahahahahahahahahahahahahahaha!

So, hayan. Na-clear ko na, Roldan. Siguro naman matatahimik ka na.

Ang totoo niyan, wala pa yatang nag-hit na movie ang movie outfit na ‘yun dahil sa kaplastikan ng kanilang line producer.

‘Yun lang!

Ang komontra, chakah tulad ni Ms. Denise Evangelista. Hahahahahahahahahahaha!

Teka nga pala, wala akong intensiyon na magpapansin sa produ at line produ ng movie outfit na ‘yan, ano? I can live comfortably without an invitation coming from them. Hindi naman ako mapipingasan ng isang tainga kung hindi ako maimbita sa kanilang supposedly ay exclusive presscons.

Isaksak ng Chuckie Doll na ‘yan ang mga invitation niya, noh?

Nakaiirita lang ‘yung feeling Ms. Amityville horror kapag nakikita namin, tapos deadma naman sa mga presscons nila.

Mabuti pa, huwag ka nang magplastic at matatanggap pa namin ‘yun.

Period. Walang comma!

“BANANA SUNDAE,” WALONG

TAON NANG NAGPAPASAYA

NG MGA KAPAMILYA

Walong taon nang naghahain ng masarap na katatawanan sa mga manonood na Filipino ang ABS-CBN comedy show na “Banana Sundae.”

Ayon sa cast na si John Prats, matagumpay ang programa dahil tunay na magkakaibigan silang lahat sa harap at likod ng camera.

“Pag taping, para kaming magkakabarkda na magkikita-kita at magkakatuwaan lang. Kaya siguro nararamdaman din ng mga manonood na totoo ang kuwelang hatid namin,” sabi ni John.

“Talagang inaalala namin ang isa’t isa at concerned kami sa kapakanan ng bawat kasama namin,” dagdag ni Pokwang.

Pinatunayan din ni Jessy Mendiola, na isa sa recent addition sa “Banana Sundae” barkada, ang init ng samahan sa show na agad niyang nadama ilang linggo pa lang siyang sumalang sa set.

“Noong una nahirapan talaga ako sa comedy pero sobrang helpful nilang lahat. Ini-guide nila ako at ini-welcome nang sobra. Pamilya talaga ang trato namin sa isa’t isa,” pahayag niya.

Bilang pasasalamat ng barkada sa fans, isang anniversary show ang kanilang gagawin sa Kia Theater ngayong Huwebes (Nov 17).

Abangan ang pasabog na group production numbers ng “Banana Sundae” barkada na sina Angelica Panganiban, John Prats, Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, JC De Vera, Jessy Mendiola, Ryan Bang, Jobert Austria, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, at Badjie Mortiz kasama pa ang surprise celebrity guests na sila mismo ang pumili.

Sa kabila ng pinagdaanang mga pagbabago ng programa, nananatiling tinatangkilik ng manonood ang “Banana Sundae.” Ito ay consistent top-rater sa weekend at trending din sa social media dahil na rin sa hit segments tulad ng Hugot at Baby Luv at iba’t ibang spoof ng mga pinag-uusapang kaganapan sa politika at showbiz.

Ang programa ay idinidirehe ni Bobot Mortiz kasama ang segment director na si Jem Reyes, executive producer na si Rocky Ubana, creative manager na si Willy Cuevas, at headwriter na si Ricky Victoria sa ilalim ng business unit na pinamumunuan ni Reily Santiago.

Huwag palalampasin ang two-part airing ng “Banana Sunda8: The 8th Anniversary Special” sa Nov 20 at 27, pagkatapos ng “ASAP” sa ABS-CBN.

HINDI PA RAW

MAKA-MOVE ON!

Curious yellow raw ang isang seksing aktres kung totoo bang nagkaroon ng one night stand ang ex niya at isang ageing sexy comedic actress.

Mukhang hindi pa raw maka-move on ang sexy actress at nagtatanong pa kung true bang nagkatsuktsakan talaga ang ex niya at ang may edad na pero may asim pa ring comedic actress. Hahahahahahahahahaha!

Akala ko ba’y there’s a new man in her life. Why is it that she seems to be that interested in his former mate’s oh-so-colorful sex life? Hahahahahahahahahahaha!

Paano ka makamo-move on niyan kung lagi na’y naka-focus sa activities ng ex mo?

Admit it. There is no man right now in your life who titillates you and makes you more complete.

Oo nga’t sinasabi mong naka-move on ka na and that you’re ready to fall in love again, but the truth is that you’re stuck up with him. Na wala pang nakae-excite sa ‘yo kagaya ng pagka-excite mo sa kanya.

‘Yun nga lang, he’s quite through with you and that’s really sad.

Kawawa!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *