ZAMBOANGA CITY – Arestado sa follow-up operation ng pulisya ang 40-anyos padre de pamilya makaraan akusahan nang paggahasa sa 14-anyos niyang anak na dalagita sa loob ng kanilang bahay sa lungsod na ito.
Base sa report mula sa Zamboanga City police office (ZCPO), ang suspek ay isang pedicab driver sa lugar.
Ayon sa salaysay ng dalagita sa mga awtoridad, hatinggabi nang umuwing lasing ang kanyang ama at sa puntong ito nang nangyari ang panghahalay sa kanya ng suspek.
Agad nagsumbong ang biktima sa iba pang miyembro ng kanilang pamilya na siyang tumulong sa kanya upang makahingi ng tulong sa mga pulis.
Nakakulong ang suspek sa Zamboanga City Police Station-7.
Inaalam ngayon ng pulisya kung posibleng gumagamit ng shabu ang suspek kaya nagawa ang panghahalay sa sariling arak.