THREE years ago ay ipinalabas sa iba’t ibang venue ang stage play na Bonifacio Isang Sarsuwela ng Philippine Stagers Foundation ni Atty. Vince Tanada. At dahil ang ating bansa ngayon ay nalagay na naman sa alanganin lalo na sa pagdating sa nationalism, naisip ni Vince na muling ipalabas ang dula na nagpapakita ng kabayanihan at patriotism ni Andres Bonifacio.
Noong Huwebes ng gabi, napanood ko ang nasabing dula sa kanilang technical/dress rehearsal sa AFP Theater.
Superb ang production design, costume, lighting lalo na ang akting na mga nagsiganap bilang Emilio Aguinaldo played by Kenneth Sadsad, Emilio Jacinto, Gregoria de Jesus, Tandang Sora, Macario Sakay and Andres Bonifacio played by Vince himself.
Kaya nagulat kami nang sabihin ni Vince after the play na ‘di sila sinipot ng kanilang stage manager at ilan pang staff ng show ng gabing iyon. Tulong-tulong ang cast. Nagulat kami dahil bilang manonood, very smooth ang napanood namin, walang aberya sa lahat ng aspeto.
Palabas na ngayon ang Bonifacio Isang Sarsuwela sa AFP Theater na nararapat mapanood ng mga kabataan.
Bukod sa Bonifacio Isang Sarsuwela, may isa pang on-going play ang Philippine Stagers Foundation entitled Katips na tungkol sa nangyari noong panahon ng Martial Law na ang lolo ni Vince na si Atty. Lorenzo Tanada ay isa sa mga nakulong.
Maganda ang pamamalakad ni Vince sa kanyang mga performer. Binabayaran niya ang mga ito hindi per show basis kundi monthly basis, para maramdaman nila na may suweldo sila. Ang pinakabaguhan ay tumatanggap ng P25,000 per month at ‘yung mga datihan na at nagbibida na ay P60,000 per month, may Philhealth at SSS pa. Saan ka pa?
Passion na ni Vince ang entablado at sa lahat ng medium, dito talaga ang calling niya more than movies and television.
Nag-produce na rin kasi ng pelikula si Vince noon, ang Otso at umarte na rin sa telebisyon pero ang teatro talaga ang kanyang pinakamahal.
MAKATAS – Timmy Basil