HINDI na bago sa inyong lingkod itong pagbubuo ng mga Task Force para umano sa kaligtasan at proteksiyon ng media practitioners.
Tuwing bago ang administrasyon, laging may bagong task force.
Pero sa totoo lang, pangalan at tao lang naman ang nababago. Ang kondukta ng organisasyon ay ganoon pa rin, walang nagbabago.
Kaya hindi tayo nagtataka kung bakit paulit-ulit lang din ang nararanasan ng mga taga-media.
Wish lang natin na huwag nang maulit sa ibang mga kasamahan natin sa media ang naganap sa atin noong 2015 na naaresto tayo isang araw ng Linggo (Easter Sunday) dahil sa kasong libel.
Mariing binatikos ng NUJP at ng International Center for Journalists (ICFJ) ang ginawang pag-aresto ng pulis-Maynila sa inyong lingkod. Sila ay maigting na pumuna sa press freedom attack.

Pero sa huli, pinalabas ng mga elementong gigil na ipaaresto ang inyong lingkod na kami ang mali at may kasalanan kung bakit naaresto isang araw ng Linggo sa isang gawa-gawa imbestigasyon kuno.
Wattafak!?
Ang mga pasimuno at kasabwat nito ay buhay pa at kikisaw-kisaw pa sa tabi-tabi. Parang mga uod na ut-ut nang ut-ut ng mga mismis mula sa mga buwitre.
Ganitong klase ng harassment ang ginagawa ng isang pulis para pahirapan at pahiyain ang isang media person.
Kaya naman, wish lang natin na huwag sanang magkaanay ang Presidential Task Force for Media Security.
Sapagkat ang kasabwat ng mga press freedom attackers ay nariyan lang sa tabi-tabi.
‘Yun lang po.
KAPANGYARIHAN NA MAKAPAGHAIN
NG SUBPOENA NAIS IGAWAD SA PNP-CIDG
NG ISANG MAMBABATAS

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com