Friday , December 27 2024

Kapangyarihan na makapaghain ng subpoena nais igawad sa PNP-CIDG ng isang mambabatas

NAGHAIN ng panukalang batas si Surigao de l Norte Representative Francisco Jose Matugas II para bigyan ng kapangyarihan ang PNP Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) na makapag-isyu ng subpoena/subpoena duces tecum.

Ito raw kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang mga taga-PNP-CIDG na imbestigahan ang isang kaso o krimen.

Makitid kasi ang kanilang kapangyarihan. Kaya hindi nila maipatawag ang mga kaukulang tao na makatutulong para pagtibayin ang ebidensiya sa isang krimen o isang kaso.

Ayon kay Rep. Matugas ang kanyang House Bill No. 2993, ay makatutulong para mapabilis ng PNP-CIDG ang kanilang trabaho.

Aniya, ang PNP-CIDG, ay may malaking maitutulong sa Duterte administration sa giyera laban sa ilegal na droga.

Ani Matugas, sa ilalim ng Republic Act 6975, na lumikha sa PNP, hinid nito binigyan ng kapangyarihan ang CIDG na makapag-isyu ng subpoena at subpoena duces tecum.

Habang ang National Bureau of Investigation (NBI), Office of the Ombudsman, Department of Justice, Philippine Drug Enforcement Agency, National Police Commission, Bureau of Internal Revenue, at ang Cybercrime Operation Center ng Cybercrime Investigation Coordination Center ay pinapayagang mag-isyu ng subpoena bakit ang CIDG nga naman ay hindi?!

Palagay natin ay lohikal ang panukalang batas na ito ni Rep. Matugas.

At bilang isang mamamayan na kumikilala sa batas at kapangyarihan ng mga alagad ng batas, naniniwala tayo na dapat aprubahan ng Mababang Kapulungan ang panukalang batas ni Rep. Matugas.

Suportahan ta ka diyan, Congressman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *