Sunday , November 24 2024

People’s boxing champ & Sen. Manny Pacquiao wala pa rin kupas

Mismong ang iginupong katunggali sa ibabaw ng lona na si Jessie Vargas ay nagsabi na wala pa rin kupas si people’s boxing champ and Senator Manny “Pacman” Pacquiao.

‘Yan ang pambansang kamao!

Hindi pa rin kayang tanggalin sa kanyang karera bilang boksingero ang bansag na, The Mexicutioner.

Noong una ay inakala ni Vargas na hindi na ganoon kalakas ang suntok ni Pacquiao.

Pero nang matiyempohan siya sa 2nd round, isang suntok lang sa noo, umalog na ang tuhod ni Vargas at siya ay napaupo.

Aba, nakita natin sa mukha ni Vargas ang gulat, at binilisan ang tayo dahil baka nga naman sundan siya ng isa pang bira ni Manny ay tuluyan siyang matulog.

Inspiradong-inspirado siguro si Manny dahil lahat ng ‘pambansang personahe’ ay nasa Las Vegas para suportahan siya.

Gaya ni Miss Universe Pia Wurtsbach, PNP chief, DG Ronald “Bato” dela Rosa, ang mga kaibigang sina Gov. Chavit Singson, ang kanyang pamilya at ang buong Team Pacquaio.

Congratulations Pacman! Nadagdagan na naman ang iyong milyong dolyares!

Pero sabi nga, hindi matakaw sa suntukan si Manny.

Nang mapaupo si Vargas, umatras si Manny, matapos niyang masiguro na hindi naman napinsala  ang katunggali.

Si Manny lang yata ang nakita nating boksingerong may puso sa kalaban.

Ginawa niya ito sa lahat ng nakatunggali niya sa lona. Kapag napabagsak niya, ay titingnan niya muna saka aatras.

Kaya hindi naman nakapagtataka na buhos ang biyaya sa kanya ng Panginoon kahit saang larangan.

Kahit nga bilang mambabatas ay naipakita ni Sen. Manny na siya ay ginagabayan ng Panginoon.

Hindi ba’t sa isang mabilis pero makatuwirang mosyon ay na-knockout niya si dating justice secretary Leila De Lima bilang Senate human rights & justice committee chair?!

Hindi ba malinaw na paggabay ng kung sinong Dakilang Manlilikha, ang tila kidlat sa bilis na mosyon ni Pacman?! Hindi nakahuma maging si dating Senate president, Sen. Franklin Drilon kahit sa botohan kung tatanggalin sa chairmanship o mananatili si De Lima.

Talaga namang itinumba ni Pacman ang mga abogado, mga mababatas na maraming degree at kung ano-ano pang kredensiyal, sa bilis niyang mag-isip nang oras na iyon.

At ‘yan ang katotohanan na hindi puwedeng pasubalian, hanggang sa Senado, alisto si Pacquaio!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *