Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Congratulations NBI on your 80th anniversary!

KUMBAGA sa elderly, lolo na ang National Bureau of Investigation (NBI)…

Ngayong araw, ipagdiriwang ng NBI sa isang makabuluhang paraan ang kanilang anibersaryo.

Gaganapin sa isang pormal na programa ang kanilang anibersaryo na ang magiging panauhing tagapagsalita ay sina Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Francis “Chiz” Escudero, na naging magkalaban bilang bise presidente nitong nagdaang eleksiyon.

Congratulations, Director Dante Gierran!

Isang makabuluhang pagkakataon na kayo ang kasalukuyang director ng Bureau sa pagdiriwang ng 80th anniversary.

Ayon sa ilang kaibigan na ating kahuntahan, isa si Director Gierran, sa magmamarka ang liderato sa NBI.

Isa sa makabuluhang hakbang na ginagawa ngayon ni Director Gierran, ang pag-iimbentaryo ng mga ID at mission order na inilabas ng Bureau.

092916-nbi

Kahit bago pa maaresto ang mag-asawang Chinese sa Binondo na nakompiskahan ng ilegal na droga at ang dalawa nilang driver/bodyguard na nahulihan ng NBI IDs at mission order, ay ipinaiimbentaryo na pala niya ang mga nabigyan ng ID at mission order.

Kaya naman nang maikolum natin ang tungkol dito, ay agad siyang tumawag para linawin ang nasabing insidente.

Ayon kay Director Gierran, hindi niya papayagan na sa kanyang pamumuno maganap ang ganitong kabulastugan.

Hindi niya umano hahayaan na pagsamantalahan at abusuhin ng ilang mga tiwali ang pagtitiwala ng NBI sa mga napagpapasyahan nilang maging NBI agent.

Kaya naman, nakikiusap siya sa publiko, agad ipagbigay-alam sa kanila ang mga ganitong insidente lalo na ang paggamit sa kanilang ID at mission order.

Naninindigan si Director Gierran na pananagutin niya sa ilalim ng batas, ang sinomang mang-aabuso sa ipinagkakatiwala nilang kapangyarihan sa ilang individual na nagpapakita ng kakaibang kakayahan at talent sa pagtulong sa kanila sa pagsugpo ng krimen.

Ayon kay Director Gierran, halos parang lolo man ang edad ng NBI, asahan pa rin ng publiko ang matalino, mabilis at makatuwirang serbisyo na kanilang ipinagkakaloob sa mga nangangailangan.

Mabuhay kayo Director Dante Gierran!

PEOPLE’S BOXING CHAMP
& SEN. MANNY PACQUIAO
WALA PA RIN KUPAS

060916 pacman

Mismong ang iginupong katunggali sa ibabaw ng lona na si Jessie Vargas ay nagsabi na wala pa rin kupas si people’s boxing champ and Senator Manny “Pacman” Pacquiao.

‘Yan ang pambansang kamao!

Hindi pa rin kayang tanggalin sa kanyang karera bilang boksingero ang bansag na, The Mexicutioner.

Noong una ay inakala ni Vargas na hindi na ganoon kalakas ang suntok ni Pacquiao.

Pero nang matiyempohan siya sa 2nd round, isang suntok lang sa noo, umalog na ang tuhod ni Vargas at siya ay napaupo.

Aba, nakita natin sa mukha ni Vargas ang gulat, at binilisan ang tayo dahil baka nga naman sundan siya ng isa pang bira ni Manny ay tuluyan siyang matulog.

Inspiradong-inspirado siguro si Manny dahil lahat ng ‘pambansang personahe’ ay nasa Las Vegas para suportahan siya.

Gaya ni Miss Universe Pia Wurtsbach, PNP chief, DG Ronald “Bato” dela Rosa, ang mga kaibigang sina Gov. Chavit Singson, ang kanyang pamilya at ang buong Team Pacquaio.

Congratulations Pacman! Nadagdagan na naman ang iyong milyong dolyares!

Pero sabi nga, hindi matakaw sa suntukan si Manny.

Nang mapaupo si Vargas, umatras si Manny, matapos niyang masiguro na hindi naman napinsala  ang katunggali.

Si Manny lang yata ang nakita nating boksingerong may puso sa kalaban.

Ginawa niya ito sa lahat ng nakatunggali niya sa lona. Kapag napabagsak niya, ay titingnan niya muna saka aatras.

Kaya hindi naman nakapagtataka na buhos ang biyaya sa kanya ng Panginoon kahit saang larangan.

Kahit nga bilang mambabatas ay naipakita ni Sen. Manny na siya ay ginagabayan ng Panginoon.

Hindi ba’t sa isang mabilis pero makatuwirang mosyon ay na-knockout niya si dating justice secretary Leila De Lima bilang Senate human rights & justice committee chair?!

Hindi ba malinaw na paggabay ng kung sinong Dakilang Manlilikha, ang tila kidlat sa bilis na mosyon ni Pacman?! Hindi nakahuma maging si dating Senate president, Sen. Franklin Drilon kahit sa botohan kung tatanggalin sa chairmanship o mananatili si De Lima.

Talaga namang itinumba ni Pacman ang mga abogado, mga mababatas na maraming degree at kung ano-ano pang kredensiyal, sa bilis niyang mag-isip nang oras na iyon.

At ‘yan ang katotohanan na hindi puwedeng pasubalian, hanggang sa Senado, alisto si Pacquaio!

TUNAY NA ACTION MAN
SI MPD PS5 COMMADNER
SUPT. ROMEO DESIDERIO

110716-mpd-ps5

Bago pa lamang sa puwesto pero mayroon nang ilang utak-talangka na tumatrabaho kay bagong Manila Police District – Ermita station commander, Supt. Romeo Desiderio.

Pag-upong pag-upo kasi ay pinaigting na ni Kernel Desiderio ang kanyang kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsunod sa direktiba ni PNP chief, DG Ronald “Bato” Dela Rosa at MPD director, S/Supt. Jigz Coronel.

Si Kernel Desiderio ang naitalaga nang masibak sa puwesto ang siyam na opisyal ng MPD na kinabibilangan ni Supt. Alberto Barot dahil sa naganap na madugong dispersal sa US Embassy.

Anyway, mukhang cool lang si Kernel Desiderio. Tuloy ang kanyang pagganap sa tungkulin at hindi siya kayang gibain ng kung ano-anong intriga.

Tama ka riyan, Kernel Desiderio. Trabaho lang at kapag hindi nakasabay ang iyong mga detractor, tiyak na sila ay maiiwan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *