Saturday , November 16 2024

5 katao itinumba ng vigilante

LIMANG hinihinalang sangkot sa droga ang patay habang isa ang kritikal makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na pinaniniwalang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan city, Sabado ng gabi at Linggo ng madaling araw.

Ayon sa ina ng 26-anyos na si Saripada Parahodin, dakong 1:30 am, natutulog ang kanyang anak sa kanilang bahay sa Brgy. 176, Bagong Silang nang pasukin ng tatlong mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Habang agad binawian ng buhay ang tricycle driver na si Markgil Toi, 20, nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa Lapu-lapu at J.P. Rizal Streets dakong 1:15 am.

Nauna rito, dakong 11:10 pm nitong Sabado, nasa loob ng kanyang bahay na sinasabing ginagawang drug den sa Barrio San Lazaro, Carmelite, Brgy. 187, Tala, si Joseph Barantes, 23, at mga kaibigan na sina Breth Luis Guan, 22, at Mary Ann Asentista, 20, kasambahay ng Bird of Paradise, Tala, nang pasukin ng hindi nakilalang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima.

Agad namatay si Asentista dead on arrival sa Dr. Rodriguez Hospital sina Barantes at Guan.

Samantala, nilalapatan ng lunas sa Dr. Rodriguez Hospital si Casimiro Bisperas Jr., 36, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa labas ng isang barber shop sa Orchids St., Capitol Park dakong 12:30 pm nitong Sabado.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *