Sunday , November 24 2024

Sindikato ng ‘squatters’ sa Quezon City protektado ng City Legal Department? (Atty. Felipe Arevalo III may dapat ipaliwanag…)

GUSTO natin manawagan kay Mayor Herbert “Bistek” Bautista dahil sa talamak at hindi namamatay na isyu ng syndicated squatting sa Quezon City.

Hindi po natin dito pinag-uusapan ang mga squatter na kaya nag-i-squat ay dahil walang trabaho at walang kakayahang umupa kahit sa maliit na entresuelo.

Ang tinutukoy po ng ating impormante at nagrereklamong biktima, na higit kalahating siglo nang naninirahan sa inaagaw sa kanilang lote ay ‘yung makuwartang ‘sindikato’ na tila kasabwat pa ang city legal department.

Ang kanilang tahimik na paninirahan ay binulabog umano ng isang Atty. Felipe Arevalo III.

Sumulat daw kasi ‘yang si Arevalo sa mga tinutukoy niyang ‘squatters’ na maaaring mapasakanila ang 13 private lots kung kaya nilang pondohan.

Take note lang po, ang tinutukoy na squatters ni Arevalo ay may kakayahang magpondo ng P7.5 milyones para mapakasanila ang 13 private lots.

Wattafak!

Ano ‘yan, ‘milyonaryong’ squatters?

Nagtataka ang mga matagal nang naninirahan sa nasabing 13 private lots kung bakit naideklara nitong si Arevalo ang kanilang lote na puwedeng pondohan at angkinin ng mga ‘milyonaryong’ squatters.

Suspetsa ng mga naninirahan sa nasabing lote, mukhang ginagatasan ng kung sinong city hall official ang milyonaryong squatters.

Matagal na palang dismissed sa korte ang pagnanasa ng mga nasabing milyonaryong squatters pero hanggang ngayon ay naghahabol pa rin sila.

Pero ang nakadedesmaya talaga ‘e ‘yung mayroon silang kasapakat mula sa city legal department.

Magkano ‘este ano ang dahilan at bakit iginigiit ni Arevalo na ang nasabing 13 private lots ay dapat ‘pondohan’ ng city government sa pamamagitan ng ordinansa para tuluyang mapasakamay ng mga ‘milyonaryong  squatters’ na kayang-kaya rin magpondo ng P7.5 milyones?!

Atty. Arevalo, mabigat na akusasyon ito?

Ano ang katotohanan sa mga hinaing na ito ng mga naninirahan diyan sa tinutukoy na lote?!

Please explain!

Mayor Bistek Bautista, alam mo ba ang nangyayaring ito?!

Pakibusisi lang Mayor!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *