Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ali Forbes, pasok sa PBB Season 7

MUKHANG magtatagal pa sa ere ang kasalukuyang Pinoy Big Brother Season 7. Siguro’y mataas ang rating nito kaya in-extend nang in-extend. Mula sa celebrity housemates, napunta sa teen housemates, at ngayon naman may bagong pasok na pitong regular housemates at isa rito ang beauty queen/singer na si Ali Forbes.

Second runner-up sa Binibining Pilipinas si Ali at inilaban siya sa kauna-unahang Miss Grand International na ginanap noon sa Bangkok, Thailand na nanalo siya bilang 3rd runner-up.

Professional singer din si Ali (bagamat wala pa siyang album) pero kungsaan-saang sikat na hotels and lounges siya regular na nagpe-perform. Bukod sa Tagalog (bilib na bilib ako sa kanya kapag kinakanta na niya ang mga makalumang Tagalog/Kundiman songs), Ali also sings Mandarin, French at iba pang lengguwahe.

Nagkaroon din ito ng sariling TV show ang Pinay Beauty Queen Academy.

Sa pitong bagong pasok sa PBB, apat sa kanila ang agad kong natandaan, si Ali, ang international model na si Tanner Mata, ang Batanguenang si Baninay, at ang mestisang si Cora.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …