HANGGANG ngayon ang problema sa pandaraya sa actual customs duties and taxes ay nagpapatuloy pa rin sa ibang assessment section.
Patuloy pa rin ang lumang kalakaran by cheating or reducing the actual weights, measurements, quantity, origin of the shipment and value.
Ang smugglers ay hindi titigil maghanap ng paraan kung paano sila puwedeng makapandaya o makamenos sa ipinatutupad na transaction value.
In short, ang paggamit ng FAKE invoices at packing list ay hindi na ginagamit o patuloy pa rin?
Paano na ang kikitain ng sikat na customs players kung ang paggamit ng mga pekeng invoice ay ipatitigil na?
Mayroon ba silang sale contract or proof of payment na maipapakita?
Kung gusto ng customs na makasigurado on the actual value bakit hindi tanungin o tingnan ang insurance policy ng sea/air shipment.
Magkano ba ang declared value nila sa kanilang kargamento sa insurance.
O ‘di po ba walang lusot ‘yan?
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal