Friday , November 15 2024

Mga muni-muni tungkol sa mga espirito’t multo

HINDI natin namalayan at araw na naman pala ng mga patay at kaluluwa. Ilang araw pa at Pasko’t Bagong Taon na rin.

Tiyak parang fiesta na naman ang mga sementeryo mula noong Lunes hanggang Miyerkoles sa buong kapuluan dahil sa dami ng tao at kabi-kabilang mga reunion ng mga angkan. Balitaan dito, balitaan doon at may palagay ako na isa sa popular na napag-usapan din ang tungkol sa namatay na dinadalaw, espiritong gala at mga multo.

Hindi ko alam kung mayroong hindi naniniwala sa mga espiritong gala’t multo pero kung kayo ay Kristiyano, dapat ay naniniwala kayo. Maraming insidente sa Biblia na nakatala ang mga kwento tungkol sa mga espirito at ‘yung tinatawag na possession. Ang mga sulating ito sa Banal na Aklat ang patotoo sa atin na may mga espirito at kaluluwang gala o multo.

Kahit ang pag-aantanda ng mga Kristyano ay isang paraan ng pagkilala sa espirito na kung tawagin natin ay Banal na Espirito, bahagi ng tatlong personang Dioys na lumikha sa atin.

Tulad ng batas ng kalikasan na nagsasabi na kung may maganda ay may pangit din, kung may mataas ay may mababa rin o kung may liwanag ay may dilim din…ganoon din pagdating sa mga espirito…kung mayroong tinatawag na embodied spirit o nakapaloob na espirito sa ating katawan ay mayroon din disembodied spirit o espirito na nasa labas ng ating katawan.

Ang mga espiritong ito ay maaaring mabuti o masama kaya kaiingat kayo kapag pinag-uusapan sila sapagkat ang mga iyan ay nasa paligid lamang. Sa pamamagitan ng ating mga salita ay maaari tayong mapasok ng o mapalaya mula sa espirito kaya’t dapat tayong maging mapagmatyag sa mga kataga na lumalabas sa ating mga bibig.

Isang paalala lamang po mula sa inyong lingkod.

* * *

Nakapangingisda na muli ang ating mga kababayan sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc. Wala nang humaharang sa kanila dahil wala na roon ang mga barko ng mga Intsik. Ano ang masasabi ng dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa nagawang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte?

* * *

May mga bagong “Great Wall” sa Tsina na hahadlang sa mga atake laban sa kanya. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

beyond deadlines
Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay.

Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, A.B., Ll.B.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *