Friday , December 27 2024

Allergic nga ba sa tattoo si Sen. Risa Hontiveros? (Pagkatapos ng color-coding rule sa MRT/LRT)

Hahaha!

Mukhang malaki na ang ginagastos ni Senator Risa Hontiveros sa kanyang media hype.

Hindi man lang kasi tumunog ang pangalan ng Senadora sa mga nagdaang maiinit na usaping pinag-usapan sa Senado.

Sa mga bagong senador, tanging sina Senador Leila De Lima, Senador Ping Lacson at Senador Manny Pacquiao lang ang nagpakita ng magkakaibang galing kaya mainit na pinag-usapan nitong mga nakaraang linggo.

Si Senador Leila, na nagpatawag ng hearing sa Senado, bilang chairman ng Senate Committee on Human Rights & Justice, kaugnay ng umano’y extrajudicial killings sa giyera ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa droga.

At si Senator Pacquiao, na nag-motion para tanggalin sa committee si Sen. De Lima bilang chairman.

Ang hakbang umano ni Senator Manny ay tila isang punching hook na nagbaliktad sa buong senaryong tinutumbok sana ng imbestigasyon ni Delilah ‘este Sen. De Lima laban sa anti-illegal drugs campaign ng administrasyong Duterte.

Grabe!

Kaya ang suspetsa ng ilang mga kakapihan natin nitong mga nakaraang araw, dahil hindi napag-uusapan si Senator Risa, nagtangka ang kanyang media-hyper na mapag-usapan siya kahit sa isang ka-engot-engot na paraan.

Una, nang pumutok sa social media na naghain umano ng Senate Bill si Hontiveros na dapat magpatupad ng color coding ang mga pasaherong sumasakay sa LRT at MRT upang sa gayon ay mai-prioritize ang mga dapat na unang makasakay.

Ay naku, talagang naghagalpakan ng tawa ang MRT/LRT riders, kasi hindi naman lohikal na solusyon ‘yung mag-color coding ang mga pasahero.

Inakala siguro ng kung sinong henyo, puputok ang pangalan ni Hontiveros sa nasabing isyu, pero sorry na lang…

Kasunod nito, biglang mayroong lumabas na paglilinaw na hindi umano naghain ng kagayang panukala ang senadora na dating party-list representative.

Nitong bago mag-Undas, mayroon na namang lumabas na post sa social media na naghain na naman daw ng bagong panukala si Hontiveros na ipinagbabawal ang tattoo sa simbahan at sa unibersidad.

Wattafak?!

Kung pinapayagan daw kasi ito sa simbahan at mga unibersidad, ‘e nakapang-i-engganyo raw ito sa mga kabataan na magpalagay rin nito sa kanilang katawan.

Kung ang tattoo raw ay nasa buong braso, kailangan magsuot ng long sleeves bago pumasok sa eskuwelahan o sa simbahan.

Kung nasa mukha naman, kailangan daw tabunan ng concealer para matakpan.

Nagpapatawa ba ang senadorang hindi naman kalbo!?

E grabe naman pala ang pagka-atrasado ng utak nitong si Senador Hontiveros.

Since time immemorial, sa iba’t ibang panig ng mundo ay marami nang nagpapraktis ng paglalagay ng tattoo sa katawan.

Ito ay ginagawa nila batay sa kanilang paniniwala at tradisyon.

Dinaig pa ng senadora ang Santo Papa sa pagbabawal ng tattoo?!

Wattafak!?

Pero nang i-check natin ang site, kung saan naka-post ang nasabing balita, natuklasan natin na ‘fake’ at tila pinalalabas na kagagawan ng supporters ni Pangulong Digong ang katawa-tawang istorya.

Kung susuriin, may media hype na nagaganap na ang maaaring epekto ay mainis o magalit kay Hontiveros.

Pero kapag nalaman na peke pala ang balita at ang site, paghihinalaan na kagagawan ng Duterte supporters o trolls.

Ano po ang ibig sabihin nito?

Tapos na ang eleksiyon pero hindi pa tapos ang propaganda war.

Mag-ingat po sa mga nababasa natin sa social media. Kailangan pong maging mapanuri lalo na kung hindi kilala o hindi kayo pamilyar sa site.

Huwag po kayong magpagamit sa mga ‘spin’ na mapanlinlang.

Be literate. Be aware. Be conscious. At higit sa lahat, be logical.

Ingat, ingat po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *