ZAMBOANGA CITY- Patay ang isang 14-anyos binatilyo habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawa pang biktima makaraan sumabog ang isang bala ng grenade launcher sa coastal municipality ng Tabuan-Lasa sa lalawigan ng Basilan kamakalawa.
Kinilala ang namatay na si Aidil Sarahadil, agad binawian ng buhay sa insidente.
Ayon sa ulat, nakita ng mga biktima ang dalawang bala ng grenade launcher habang naglalakad sila malapit sa dalampasigan.
Habang pinupukpok ang bala ng grenade launcher ay bigla itong sumabog na ikinamatay ng 14-anyos biktima.