Sunday , December 22 2024

3 Koreano, 3 Pinoy tiklo sa shabu

110216-eleazar-korean-drugs-shabu
INIHARAP ni QCPD director, S/Supt. Guillermo Eleazar ang tatlong Koreano at tatlong Pinoy na naaresto sa anti-drug operations sa Rockwell East To¬wer, Brgy. Poblacion 1, Makati City. (ALEX MENDOZA)

TATLONG Koreano na nagpapatakbo ng isang drug mule syndicate, nagpapadala ng shabu sa Korea at Amerika, at tatlo pang Filipino na kasabwat ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang operasyon sa condominium sa Makati City.

Sa pulong balitaan, kinilala ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga dayuhang sina Bong Kho Laem alyas Mr. Kuo Chi Pui Wong, 49, ng South Korea,  nakatira sa Unit 4116, Rockwell East Tower, Brgy.  Poblacion, Makati City; Isaac Kho alyas Kiderk Kim Kook Jung Wung, 51, ng South Korea, Intel Officer ng National Intelligence  Service (NG), nakatira sa Rm. 705 Manansala Tower Hidalgo St., Poblacion, Makati City; at  Jintaek Lee, 42, negosyante, ng South Korea, nakatira  sa Unit 4116, One Rockwell East Tower, Brgy. Poblacion, Makati City.

Habang ang tatlong arestadong Filipino ay sina  Jaypee Soriano, 24, tubong Pangasinan, ng 31 San Juan Evangelista, Payatas, Quezon City; Arby Diaz alyas Arbeen Jhielen Diaz, 20, ng 1781 Int. 5, Narra St. Kahilom 1, Pandacan, Maynila, at Kathleen Nonato, 20, ng Blk. Lot 3, Casa Bonita Homes, Sitio Mendez, Quezon City.

Ayon kay Eleazar, nang magpositibo ang isang linggong surveillance laban sa mga suspek, agad kumuha ng search warrnt ang pulisya sa Quezon City Regional Trial Court.

Kahapon, dakong 12:30 am, armado ng search warrant mula kay Judge Bernelito Fernandez ng QCRTC Branch 97, nilusob ng mga tauhan ng DSOU at DAID ang hideout ng mga suspek sa 4116 Rockwell East Tower, Brgy. Poblacion, Makati City na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek.

Nakompiska mula sa mga suspek ang iba’t ibang klase ng baril, shabu na nakasilid sa expanded envelop, nakatakdang ipadala sa Korea at Amerika; mga drug paraphernalia at cellphones.

Samantala, nasugatan sa operasyon si Sr. Insp. Paterno Domondon nang tagain ng samurai ang kamay niya habang pilit na inaabot ang lock ng pintuan para mabuksan at makapasok sa hideout ng mga Koreano.

Ligtas na si Domondon na agad dinala sa ospital sa Kampo Crame.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *