IDs, mission order ng NBI, i-recall lahat! (Ginagamit sa ilegal na droga)
Jerry Yap
October 28, 2016
Opinion
MAHIGPIT ang pangangailangan na ipa-recall ni National Bureau of Investigation (NBI) director, Atty. Dante Gierran ang lahat ng mission orders at IDs na kanyang inisyu sa lahat ng kanilang agents.
Immediate ‘yan lalo na nga’t natuklasan na ang mag-asawang Chinese national na nahulihan ng tinatayang P50-milyong halaga ng shabu sa Binondo kamkalawa ay may escort na dalawang nagpapakilalang NBI agents.
Kompleto ang credentials ng dalawang NBI agents, may ID at may mission orders.
Ang mag-asawang Chinese national ay kinilalang sina Wilson Tan , 40 anyos , at Jovelyn Tan, 38, anyos ay nadakip sa Unit 801, 946 Magdalena Mansion, Masangakay St., Binondo, Maynila.
‘Yung dalawang NBI agents na nagsisilbing driver at security escort ay kinilalang sina Crisencio Laurel Jr., at Efren Caringal Jr.
Pareho pang junior ang mga kamote.
Si Laurel umano ay Intelligence Officer I, at si Caringal ay Administrative Aid naman.
Ang gusto natin maklaro rito, kung ‘yang sina Laurel at Caringal ba ay organic employee o NBI agents lang talaga?!
Bukod sa mga ID at mission orders, nakompiska rin kina Laurel at Caringal ang dalawang unit ng kalibre .45 baril na walang kaukulang dokumento; mga bala at magazines nito. Isang unit na handheld radio at iba’t ibang uri ng limang pirasong cellphone.
Sinalakay ang nasabing unit ng mag-asawang Chinese ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-NCR at PDEA IIS sa bisa ng search warrant na inilabas ni Executive Judge Bernelito Fernandez ng QC RTC Branch.
Dakong 10:00 pm nang pasukin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA-NCR) at PDEA Intelligence Investigation Service ang Unit 801, sa Magdalena Mansion, Masangakay St.
Nasamsam sa loob ng kuwarto ng mag-asawa ang limang pirasong medium size transparent plastic sachet na umano’y naglalaman ng shabu na aabot sa mahigit limang kilo, na tinatayang may street value na P50 milyon at isang timbangan.
Kabilang din sa nasamsam ang dalawang karton na umano’y naglalaman ng large transparent plastic bag na naglalaman ng sangkap sa paggawa ng shabu.
Sa loob ng apat na taon ay nagbunga rin sa wakas ang paniniktik ng PDEA sa mag-asawa. Taon 2013 pa raw nila tinitiktikan ang mag-asawang Tan.
Taon-taon umano ay nagpapalit ng pangalan ng kanilang negosyo ang mag-asawa.
Pinakahuli nitong 2016 na ginamit na front ang solar panel lighting.
Huwag na kayong magtaka kung bakit inabot ng apat na taon ang paniniktik ng PDEA.
Aba ‘e mayroon ngang kasanggang ‘NBI’ ang mag-asawang Chinese national na posibleng nagbibigay ng impormasyon sa kanila para makaiwas sa huli.
Kung hindi tayo nagkakamali, nakasuhan na ‘yung dalawang Chinese national ganoon din ang dalawang nagpakilalang NBI agents…
Sana lang ay bumilis na rin ang aksiyon ni Director Gierran para i-recall o bawiin ang ID ng ibang NBI confidential agents lalo na ‘yung mga tinatawag na ‘hao-shiao’ agents.
May little warden pa!
TARAHAN SA BJMP BICUTAN
(ATTN: SILG MIKE SUENO)
Maugong ang raket ng isang warden diyan sa BJMP Bicutan…
Simple lang po!
Tara sa right, tara sa left.
Mayroon pa siyang isang payat na ‘little warden’ na kontodo nagmamando at pormang-porma…
Ang task niya, i-raket ang mga preso sa pamamagitan ng tara lalo na ‘yung mga foreinger.
Mahina umano ang P5,000 kada isang detainee ang tarang hinihingi nito.
Pero sa mga Chinese detainee at can afford na detainee ay P10,000 hanggang P40 mil ang tara?! E ilan ang mga foreigner na nakakulong diyan sa Bicutan?!
Ilang ulo ‘yan na puwedeng tarahan ng pera?
Sonabagan!!!
‘E sa dami ng presong naririyan, malamang hindi lang humahamig kundi humahakot ng kuwarta ‘yang si little Warden!?
BJMP chief, Director Serafin Baretto Jr., alam mo ba ang nangyayari ngayon diyan sa BJMP Bicutan!?
Wattafak?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap