Friday , November 15 2024

Ang letra at espirito ng batas ay hindi laging magkaayon

MAY mga ilang abogado, lalo na ‘yung kaalyado ng dating ‘dilawang’ administrasyong Aquino, ang nagsasabi na hindi dapat balewalain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng The Hague Tribunal kaugnay ng ating pagmamay-ari sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Sabi nila ay dapat igiit ni Pangulong Duterte sa Tsina ang karapatan natin sa nasabing mga lugar. Dagdag nila ay labag sa konstitusyon ang planong pakikipag-joint venture natin sa Tsina para i-develop ang WPS o SCS.

Tama na may karapatan tayo sa pinagtatalunang mga lugar pero dapat din nating isaalang-alang na hindi lahat ng tama ay nakabubuti. Hindi komo tama ang sinasabi ng batas ay karapat-dapat ito para sa atin. Ang batas ay hindi lamang letra o sulatin, ito ay may espirito rin.

The letter of the law may be right but it is not necessarily always correct as its spirit may, at times, hold a different meaning. Hindi ngayon ang panahon para idiin sa isyu ng ating karapatan, darating iyon.

* * *

May hinala ako na kaya inihain ni dating pangulong Benigno Simeon Aquino III o BS Aquino ang usapin sa International Trbiunal ay dahil sa sulsol ng mga Amerikano upang magkaroon sila ng dahilan na magpadala ng mga barkong pandigma sa lugar natin sa daigdig. Pansinin na tinatangka ng mga Kano na palibutan ang Tsina kaya nilalaro nila ang usapin sa West Philippine Sea.

Alam ng mga bansang kasama sa ASEAN ang panunulsol na ito ng mga Kano kaya walang sumama sa ating demanda sa The Hague.

Ang pagpupumilit natin na angkinin sa ngayon ang mga lugar na pinagtatalunan ay maaring pag-umpisahan ng ikatlong digmaang pandaigdig na may katangiang nukleyar. Magbabanggaan ang Tsina at U.S. at tayo ang maiipit sa gitna.

Puwede naman ‘yung tinatawag na joint development sapagkat ginagawa na natin ito sa Malampaya at ibang minahan ng langis sa dagat malapit sa Palawan. Joint venture natin ang Shell at iba pang dayuhang kompanya mula sa kanluran pero wala tayong narinig sa magagaling na abogado ng dating dilawang administrasyon na “unconstitutional” ito.

Lumalabas tuloy na kapag kapwa Asyano, na tulad ng Tsina, ang joint venture natin ay unconstitutional pero kapag puti o Kanluranin ay hindi.

Alin ngayon ang mas mahalaga, ang sinasabi ng mga dilawang abogado na ‘karapatan’ o ang kaligtasan at kapakinabangan ng ating bayan?

Pinalalakas din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ugnayan natin sa bansang Hapon. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

beyond deadlinesAng website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay.

Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Rev. Nelson Flores, A.B., Ll.B.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *