Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Illegal terminal, illegal vendors at kolorums ayaw ni MMDA Chair Tim Orbos

NAKASUSUYANG trapiko ng mga sasakyan ang hahanapan ng solusyon ng bagong chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Thomas “Tim” Orbos.

Inuumpisahan niya ito sa pamamagitan ng pag-oobserba sa iba’t ibang traffic scheme na ipinatutupad ng local government units (LGUs), una nga sa Pasig City.

Sisikapin din daw niyang tanggalin ang lahat ng obstruction sa lansangan gaya ng illegal vendors, illegal terminals, illegal markets, at colorums.

Alam nating hindi ganoon kadaling solusyonan ang nakasusuyang trapiko sa Metro Manila.

Pero kung mayroong determination and political will si Tim Orbos, gaya ng ating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi malayong mabawasan ang nakasusuyang trapiko kung hindi man malutas nang 100 percent.

Isa sa mga dapat unahin ni Chairman Tim ang sinasabi niyang paglilinis ng mga illegal vendor, illegal parking at colorum vans.

Pananagutin din umano niya ang mga barangay chairperson and officials na nagmamantina o patong sa illegal terminals, colorums, at illegal vendors.

Aba, nang sabihin ni Chairman Orbos ‘yan ‘e marami ang natuwa.

102716-mmda-tim-orbos

Mukhang sa tingin umano nila ay hindi bolero si Chairman Tim. Bakas din umano ang determinasyon at political will.

Magandang indikasyon ‘yan, Chairman Tim!

Baka gusto ninyong maging buena mano ang matigas pa sa natuyong ebak na barangay chairman na itinuturing na protector, tongpats at kolektong ng illegal terminal, mga kolorum na van at illegal vendors diyan sa Lawton.

Kapag ‘yan ang napatiklop ni MMDA Chair Tim Orbos, tiyak na magdiriwang ang buong Metro Manila hanggang sa mga karatig lalawigan dahil malaking kaluwagan ‘yan sa lansangan.

Alam natin na nagkukumahog na sa pag-areglo ang ilegalistang taga-Lawton sa MMDA pero naniniwala tayo sa determination at political will ni Chairman Tim.

Chairman Tim, isang pogi points nga riyan kontra Lawton illegal terminal?!

‘Yan lang Chairman Tim, establisado agad ang kredebilidad ninyo…

Go Chairman Tim Orbos, linisin ang Plaza Lawton!

CALL CENTER EMPLOYEES
NANGANGARAG DAW SA ANTI-US STAUNCH
NG PANGULONG DIGONG

090916-duterte

Maraming call center companies ang nangarag dahil sa klarong posisyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na independent foreign policy.

Sa tingin nila, makaaapekto ito sa kanilang trabaho dahil baka mag-pullout daw ang American companies sa bansa.

‘Yan ang ilan sa sentimyento ng mga business process outsourcing (BPO) na karamihan nang naririto sa bansa ay kompanyang Amerikano.

Sinasabi ng iba na baka lumipat daw sa Vietnam ang mga kompanyang ‘yan.

Kasi nga, mura rin ang suweldo ng labor force sa nasabing bansa.

O sa iba pang bansa na nangangailangan ng maraming trabaho para sa kanilang mamamayan.

Puwede naman mangyari ito…

Pero ilang porsiyento kaya ang probability?

Pag-aralan natin…

Sa kasalukuyan, paborito ng BPO industry ang mga Pinoy bilang empleyado.

Sa anong dahilan?

Masipag, matalino, hindi nagrereklamo sa oras ng trabaho lalo na kung malaki ang suweldo.

Higit sa lahat, type ng BPOs ang ‘twang’ sa dulo ng dila ni Juan.

Ibig sabihin, magagaling mag-English ang mga Pinoy kaya kompiyansa ang BPO companies na right choice nila ang Filipinas.

Malayong-malayo ang katangian ng mga Vietnamese sa mga Pinoy na naghihikahos.

In short, walang dapat ipangamba ang BPOs sa ating bansa. Dahil ang pinag-uusapan dito ay efficiency ng mga Filipino.

Hindi ang matabil na bunganga ng Pangulo na sinasabi nilang nagdadala ng malas.

Hangga’t maganda ang serbisyo ng call center agents sa kanilang mga kliyente, mananatili sila sa bansa.

Pero kuwidaw din Mr. President, baka biglag mag-alsa balutan ang BPOs, tiyak na malaking kamalaan ‘yan!

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *