Friday , December 27 2024

Call center employees nangangarag daw sa anti-US staunch ng Pangulong Digong

Maraming call center companies ang nangarag dahil sa klarong posisyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte  na independent foreign policy.

Sa tingin nila, makaaapekto ito sa kanilang trabaho dahil baka mag-pullout daw ang American companies sa bansa.

‘Yan ang ilan sa sentimyento ng mga business process outsourcing (BPO) na karamihan nang naririto sa bansa ay kompanyang Amerikano.

Sinasabi ng iba na baka lumipat daw sa Vietnam ang mga kompanyang  ‘yan.

Kasi nga, mura rin ang suweldo ng labor force sa nasabing bansa.

O sa iba pang bansa na nangangailangan ng maraming trabaho para sa kanilang mamamayan.

Puwede naman mangyari ito…

Pero ilang porsiyento kaya ang probability?

Pag-aralan natin…

Sa kasalukuyan, paborito ng BPO industry ang mga Pinoy bilang empleyado.

Sa anong dahilan?

Masipag, matalino, hindi nagrereklamo sa oras ng trabaho lalo na kung malaki ang suweldo.

Higit sa lahat, type ng BPOs ang ‘twang’ sa dulo ng dila ni Juan.

Ibig sabihin, magagaling mag-English ang mga Pinoy kaya kompiyansa ang BPO companies  na right choice nila ang Filipinas.

Malayong-malayo ang katangian ng mga Vietnamese sa mga Pinoy na naghihikahos.

In short, walang dapat ipangamba ang BPOs sa ating bansa. Dahil ang pinag-uusapan dito ay efficiency ng mga Filipino.

Hindi ang matabil na bunganga ng Pangulo na sinasabi nilang nagdadala ng malas.

Hangga’t maganda ang serbisyo ng call center agents sa kanilang mga kliyente, mananatili sila sa bansa.

Pero kuwidaw din Mr. President, baka biglag mag-alsa balutan ang BPOs, tiyak na malaking kamalaan ‘yan!

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *