Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, maligaya na sa takbo ng career

HINDI makapaniwala si Sylvia Sanchez na pagkaraan ng mahabang panahon ay at saka pa siya mabibigyan ng chance na maging lead role sa TV series na The Greatest Love Of All sa ABS-CBN. At timing pa sa gusto niyang mangyari sa kanyang showbiz career.

Noon, isang starlet lang si Sylvia at marami na rin siyang pelikulang pinaglabasan. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso, hindi na siya pinakawalan nito, eh ang pag-aartista ang gusto ni Sylvia, pero hindi na rin napigilan ang magandang aktres nang alukin siya ng guwapong lalaki ng kasal. Kinalimutan na lang niya ang pangarap na maging sikat na artista, tinanggap niya ang alok ng lalaki na walang iba kundi si Art Atayde, isang businessman.

Matagal siyang namahinga sa industriya at kinarir ang pagiging housewife at ina ng mga anak nila. Ngunit siya namang paglitaw ni Arjo Atayde na anak nila. ‘Yun na! The rest is history.

Lima ang naging anak nina Sylvia at Art at nagkaroon sila ng restoran noon. Dinarayo ng mga tao ang masarap nilang bagnet. Pero malakas talaga ang kaway ng showbiz dahil nakumbinsi si Sylvia na magbalik showbiz, sa mga TV series ng Kapamilya Network. Nakailang serye rin ang aktres na mas lalong nagpakita ng kanyang acting skills bago dumating ang bonggang project na ito for her.

Hindi niya nahulaan na may magandang tugon sa kanyang matagal-tagal na pananahimik. Well, satisfied si Sylvia sa kanyang career ngayon at hindi naman siya pababayaan ng kanyang manager na si Tita Angge.

Kasama niya sa serye sina Dimples Romana, Matt Evans, Andi Eigenmann,  Aaron Villaflor, at maraming pang iba. Halos himatayin daw siya nang ipagbigay sa kanya ng pamunuan ng nasabing network ang magandang balita. Napakaganda ng istoryang ito na binigyang impact talaga ni Sylvia. Isa sa mga pumili sa kanya si Ricky Lee na isang magaling na kritiko at script writer.

Ilang hapon nang namamayagpag ang The Greatest Love Of All at mataas ang inaaning ratings. Totoo talaga ang kasabihang ‘pag hindi ukol, hindi bubukol. Kung para sa ‘yo talaga, kahit gaano katagal, mapapasaiyo pa rin talaga. Ganern!

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …