Tuesday , December 24 2024

State Visit ni Pangulong Duterte sa Brunei at China matagumpay

MASAYANG sinalubong ng mga opisyal ng bansang Brunei at China si Pangulong Digong sa kanyang pagbisita upang pag-usapan ang maayos na relasyon ng Filipinas sa dalawang bansa.

Talagang napakasipag ni Pangulong Digong at napakalaki ng respeto sa kanya ng pinuntahan niyang bansa dahil na rin sa kanyang husay mamuno sa ating bansa lalo sa pagsugpo kontra droga.

Maituturing na history sa bansa na sa sandaling panahon pa lang ng pag-upo niya bilang Pangulo sa bansa ay malaki ang nagawa niya para matuldukan ang mga taong sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Talagang ‘di siya titigil hangga’t ‘di nawawala ang illegal drugs sa Filipinas.

Kaya naman halos lahat ng bansa sa buong mundo ay mataas ang pagtingin sa bansa natin ngayon.

Ayaw rin ni Pangulong Digong na naaapakan ang Filipino ng ibang lahi dahil na rin may ipagmamalaki tayo sa ating bayan.

Sa pagbisita naman niya sa Brunei at China ay nagkaroon ng bilateral talks sa pagitan nila ni Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah na tinalakay ang mga paraan na mapatibay pa ang maayos na ugnayan ng Filipinas at ng Brunei.

Kabilang rin sa mga mapag-uusapan ng dalawa ang pagpapaunlad ng Halal sector ng makabilang panig, pati na ang mga two-way trade at investments.

Pagdating niya sa Brunei ay agad niyang hinarap ang mga Filipino roon upang pasalamatan sa pagsuporta sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Pagkatapos niyang bumisita sa Brunei ay agad siyang dumalaw sa China upang makipagpulong kina Chinese President Xi Jinping, Premier Li Keqiang at CPC chair Zhang Dejiang. At kanya rin binisita ang law enforcement office o ‘di kaya ay drug rehab centers sa China.

Sa issue ng China at Filipinas ay nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak ipagpalit sa kahit ano ang teritoryo ng Filipinas.

Tiniyak ni Duterte na magiging maingat siya na wala siyang maiba-bargain kapalit ng kahit ano.

Aniya, alinsunod sa Saligang Batas ay wala rin naman siyang karapatan o kapangyarihan na ipamigay ang anumang teritoryo ng bansa.

Ganyan katatag ang ating Pangulo at talagang ‘di nagkamali ang 16 milyon Filipino na bumoto sa kanya dahil talagang may puso siya sa tao.

Mabuhay ka mahal na Pangulo!

***

Dahil sa husay at galing ng National Bureau of Investigation (NBI) ay tumataas ang demand sa kanila ng taongbayan lalo sa mga nangangailangan ng tulong na biktima ng kriminalidad na gusto ay mapabilis ang pagresolba ng kaso.

Sunod-sunod at walang tigil ang kanilang mga operasyon laban sa kriminalidad.

Nagkaroon ng pormal na pagbubukas ng bagong satellite office ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan Del Sur.

Ang inagurasyon ay dinaluhan ng mga opisyal ng iba’t ibang regional offices sa NBI Mindanao, kasama ang local officials sa pangunguna ng Governor sa Agusan Del sur.

Naging guest of honor ang magaling na NBI Director Dante Gierran.

Ang purpose ng bagong NBI satellite office ay upang ‘di na mahirapan ang mga tao sa pagkuha ng NBI Clearance sa Butuan City Agusan Del sur.

Napakagaling talagang mamuno ni Atty. Gierran at maasahan sa lahat ng oras.

Hindi siya napapagod lalo sa pagbibigay serbisyo publiko kaya naman matagumpay ang kanyang hanay sa kanilang mga sinumpaang tungkulin.

Keep up the good work NBI.

Mabuhay ka Director Gierran Sir!

***

Kawawa mga negosyante dahil kinakakawa ng ilang tirador na buwayang abogado at abogada sa Bureau of Customs.

Binansagan silang alias TORS at LANG.

Taga-review ang isa kunwari at taga-blackmail naman ‘yung isa.

Kapag walang perang hatag ay palaging wala sa opisina.

‘Pag may perang makikikil ay maaga pumasok.

Mga buwaya talaga!

***

Pagdating sa serbisyo publiko ay maasahan talaga ang NAIA Customs at ESS NAIA at CAIDTF.

Magaling talagang mamuno ang mga nakaupo rito sa pangunguna ni Coll. Edgar Macabeo.

Nakita naman natin na matagumpay ang NAIA Customs sa koleksiyon ng buwis at sa paghuli ng mga illegal na kargamento lalo sa ilegal na  droga.

Sa nagdaang mga araw ay sunod-sunod ang huli nila sa NAIA ng cocaine. Napahanga tayo dahil hindi lang isa kundi apat na beses na sunod-sunod nilang nasakote ang mga drug courier.

Napakuhasay ang kanilang intelihensiya na ayon kay Collector Macabeo ay talagang maasahan sina Lt. Regie Tuason at Lt. Sherwin Andrada, X-ray Chief Ray Isais.

Ganoon din si Coll. Manny Mamadra na maasahan rin sa revenue collection.

Kudos po sa inyo sa BOC-NAIA!

God bless!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *