Sunday , December 22 2024

Pusher patay, drug den maintainer 3 pa tiklo

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher na nagtangkang hagisan ng granada ang mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang barilin ng mga pulis habang naaresto ang isang babaeng drug den maintainer sa operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Holy Spirit ng lungsod, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang napatay na si Henry Cortes, 52, residente ng 21 Don Carlos St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City, sumuko na noong Setyembre 13, 2016 sa Batasan Police Station 6 sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang, ngunit ipinagpatuloy ang kanyang ilegal na aktibidades.

Habang ang arestadong drug maintainer ay kinilalang si Marites Romero, 54 , residednte ng Gravel Pit Rd., San Jose Del Monte, Bulacan. Nadakip din ang tatlo pang mga suspek na sina Ambrocio Corpin, 38; Joseph Sacsilla, 34, at Jackelyn Dela Cruz, 29-anyos,

Nauna rito, dakong 1:40 pm kamakalawa, nakatanggap ng tawag ang PS-6 na may pot session sa drug den na pinatatakbo ni Romero sa squatters area sa Don Carlos St., Don Antonio Heights Subd., Brgy. Holy Spirit.

Agad nagresponde ang mga pulis at pagdating sa lugar ay tinangka silang hagisan ng granada ni Cortes kaya pinaputukan ng mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay. Habang naaresto si Romero at tatlo pang mga suspek.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *