Sunday , December 22 2024

Panahon na para ipakita ang lakas ng ating pagkakaisa

MARAMI ang nangangamba na magdudulot ng masamang epekto sa ating bayan ang mga pahayag laban sa mga Amerikano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing. Bakit daw kailangan putulin ang ating pakikipag-ugnayan sa US?

Nakalulungkot na nakikita ng mga kababayan natin ang maaaring masamang epekto ng pagputol sa kasalukuyan nating ugnayan sa U.S. pero hindi nila nakikita ang nagaganap na masamang epekto nito ngayon sa atin.

Pansinin na ang ikinatatakot nila ay maaari pa lamang mangyari. Samakatuwid ay haka-haka lamang ang basehan ng kanilang pangamba samantala ‘yung nangyayaring hindi maganda sa kasalukuyan dahil sa ugnayang ito ay hindi nila nakikita. ‘Yan ang malinaw na epekto ng neo-kolonyalismo sa atin.

Sinuso natin mula sa mga mananakop na tama ang kasalukuyang kalalagayan at wala tayong ibang dapat sisihin kung bakit tayo naghihirap kundi ang ating mga sarili. Palpak kasi tayo at may kaisipang talangka.

Tinanggap nang marami sa atin na ang ating kaligtasan ay nasa kamay ng ating kolonyador at wala sa ating sarili. Napapaniwala tayo na wala tayong kakayahan o galing para itindig ang ating bayan.

Iyan ang dahilan kung bakit may mga kababayan pa rin tayo, lalo na ‘yung mga senador na pro-mananakop, na natatakot humiwalay sa U.S.

Napakahusay ni Heneral Arthur MacArthur, ang nanguna sa puwersang Kano noong digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ang may pakana para tayo ay masakop nang mapayapa ay dapat nilang makuha ang ating simpatiya at kaisipan na uhaw sa kaalaman.

Si Arthur, na ama ni Douglas MacArthur, ang utak sa likod ng pagpapadala ng pamahalaang Amerikano ng mga guro sa Filipinas at pagpapatayo ng paaralang Normal upang maging instrumento ng kanilang pananakop.

Ang edukasyon na isinususo natin hanggang ngayon mula sa sistema na isinubo sa atin ng mga Kano ang dahilan kaya naglaho sa marami atin ang kaisipang makabansa at tiwala sa sariling galing. Nawala ang kakayahan nating magsuri.

Tama, na dapat putulin ang hindi makatarungang ugnayan natin sa mga Kano. Tama, na kung ibig nilang tayo ay maging kaibigan ay respetohin nila ang ating kultura’t katauhan.

Panahon na para ilantad ang mga dilawan sa ating paligid. Sila ang sumasabotahe ng mga kilos ni Pangulong Duterte upang mabawi natin ang ating kaakuhan mula sa mga dayuhan.

* * *

Dapat siguro na hingan na rin natin ng Visa ang mga Kano kapag pumupunta sila sa ating bansa tulad ng ginagawa nila sa atin. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

beyond deadlines
Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN
ni REV. NELSON FLORES, A.B., Ll.B.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *