Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

NAIA worst airport no more

MISMO!

Kung hindi pa po ninyo nakikita ang itsura ng bagong airport ‘e talagang masasabi ninyong ibang-iba na talaga kapag muli kayong nagawi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matutuwa kayo, unang-unang sa WI-FI na libre na, mabilis pa.

Ang comfort rooms — mabango, malinis may tubig.

Ang lobby — maluwag, malinis, maliwanag…

Ganoon din ang Immigration and Customs counter at ang dignitary lounge.

Talagang ibang-iba na ang ambiance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

070316 miaa naia

Kailangan pang magkaroon ng isang pangulo na gaya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at ng general manager na gaya ni Ed Monreal bago mangyari ito.

Sa loob ng anim na taon, ay wala tayong nakitang pagbabago sa NAIA at nagkaroon pa ng iba’t ibang kontrobersiyang sumulpot sa NAIA.

Ilan diyan ang tanim-bala, human trafficking, mga aroganteng immigration officers at  iba pa…

Hindi ba sandamakmak na kamalasan ‘yan?!

Sa wakas, naiayos na rin ang mga pasilidad sa NAIA.

Wish lang natin na mawala na sa talaan ng worst airport ang NAIA.

Congrats, GM Ed Monreal!

HULIDAP NA MMDA
SA KATIPUNAN AVE.,
AT C.P. GARCIA AVE

101116-mmda

Hindi lang po iisang tao ang tumawag ng ating pansin  sa mga kagawad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakatalaga riyan sa Katipunan at C.P. Garcia avenues.

May kakaiba kasing raket ang mga MMDA riyan.

Nilagyan kasi ng concrete barrier ang left side ng Katipunan Ave., northbound.

Sa madaling sabi, hinati ang Katipunan Ave., ng concrete barrier na ‘yun sa dalawang bahagi. ‘Yung right side na binubuo ng two lanes ay para sa deretso patungong Commonwealth Ave., at para sa mga kakaliwa sa C.P. Garcia.

Kung patungo kayo sa C.P. Garcia, tiyak na mabibitag kayo ng napakaluwag na two lanes sa kaliwang bahagi.

Pero pagdating sa dulo, iyong two lanes na ‘yun ay para sa u-turn pala at hindi para sa pagkaliwa sa C.P. Garcia.

Hindi ninyo mapapansin, dahil ang signage na for u-turn slot ay napakaliit at nandoon na mismo sa bubuweltahan.

Kung akala ninyong walang nakapansin na nagkamali kayo, sorry, kasi biglang may bubulaga sa inyo MMDA sa C.P. Garcia para sitahin at hulihin kayo.

Pero hindi talaga panghuhuli ang layunin kundi makasalakab ng pagkakaperahan.

P300, P500 hanggang P1,000 ang nakikikil ng MMDA diyan sa C.P. Garcia sa bawat nagkakamaling motorista.

Take note, nagtatago ang MMDA enforcers.

Kaya sa mga motorista, kaiingat po kayo dahil tiyak na masasalakab kayo lalo na’t bago pa lang kayong nagdaraan sa nasabing area.

Paging MMDA Chair Thomas Orbos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *