Saturday , November 16 2024

7-anyos nene niluray, pinatay ni ninong

BINAWIAN ng buhay ang isang 7-anyos batang babae makaraan gahasain at paluin ng matigas na bagay sa ulo o iniuntog sa semento sa loob ng sementeryo sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police chief, Senior Supt. John Chua ang biktimang si Maria Nelia Ramos, residente sa Acero St., Brgy. Tugatog ng nasabing  lungsod.

Habang naaresto ang suspek na si Jay-R Payawal, 30, ninong at kapitbahay ng biktima, positibong itinuro ng testigo na huling kasama ng biktima bago natagpuang patay.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernando, PO2 Benjamin Sy Jr., at PO2 Maria Teresa Dagman, dakong 9:30 pm nang matagpuan ni PO1 Donald Lopez ng PCP-4, sa loob ng Tugatog Cemetery sa Dr. Lascano Street ang biktimang walang saplot na pang-ibaba, basag ang bungo at wala nang buhay.

Ayon sa ulat, may mga palatandaan na hinalay muna ang biktima bago pinatay.

Sa pahayag sa pulisya ng 16-anyos testigong si Mark, nakita niya ang suspek na akay-akay ang bata papasok sa sementeryo dakong hapon kaya agad niyang isinumbong sa mga barangay tanod ngunit nadatnang wala nang buhay ang biktima.

Tumanggi sa akusasyon ang suspek na napag-alamang adik sa droga at kabilang sa drug watchlist ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *