Saturday , November 16 2024

3 sangkot sa droga todas sa police ops (4 arestado)

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang apat ang arestado sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police chief, Senior Supt. Johnson Almazan, dakong 4:30 am nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-1 sa pangunguna ni PO3 Carlo Hernandez, kontra kina Markvinn Baldemo at Edmar Gandela, kapwa nasa hustong gulang, sa 84 Building Compound, McArthur Highway, Brgy. 81, ngunit nakatunog ang mga suspek kaya nakipagpalitan ng putok na nagresulta sa kanilang pagkamatay.

Dakong 9:15 pm nitong Biyernes ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Caloocan Police SAID-SOTG sa pangunguna ni Insp. Cecilio Tomas, kontra sa suspected drug dealers sa Block 16, Lot 76, Pusit Alley malapit sa Dagat-Dagatan Avenue, Brgy. 12.

Naaresto sa operasyon sina Nova Cruz, 50, at Bernardino Palomo, 32, ngunit pumalag ang isa pang suspek na si Ryan Pareja kaya binaril ng mga pulis na kanyang ikinamatay.

Arestado rin sa operasyon ang dalawa pang mga suspek na sina Antonio Cruz, 20, at Milnard Galisio, 21-anyos.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *