Friday , November 15 2024

Nahihibang nga ba sa kapanyarihan ang mga pulis?

EWAN ko kung napanood ninyo ang ginawang pananagasa ng isang tila nauulol na pulis sa mga nagra-rally sa harap ng U.S. Embassy kamakailan pero sa loob ng limang dekada ko sa mundo ay ngayon lang ako nakakita nang ganoon.

Malinaw na malinaw pa sa sikat ng Haring Araw ang pananaig ng kultura ng kawalang pananagutan o “Culture of Impunity” sa hanay ng pulisya, siguro dahil na rin sa sobra-sobrang suporta na ipinadarama sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa konting kapangyarihan na hawak nila ngayon ay hari-hari na sila. Malinaw ang video (http://newsinfo.inquirer.net/827077/police-denies-running-over-protesters-at-us-embassy).

Sabi ng nga mga abogado e “Res Ipsa Loquitor” kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang isa sa amo ng mga pulis, na si Chief Supt. Oscar Albayalde, ay nakukuha pang magpahayag na hindi raw sinasadya ng kanyang pulis na managasa. Nag-panic lang daw ang pulis.

May palagay ako na ang tunay na ibig sabihin ng heneral ay walang kasalanan at walang kaso na dapat ipataw sa pulis na iyon. Wala bang telebisyon o computer sa opisina ninyo o wala kayong mahiraman ng mga gamit na ito kaya hindi ninyo napanood ang mga pangyayari at nasabi ninyo na nag-panic lamang ang tila nauulol ninyong tao?

Kaya kahit ano ang sabihin ng mga pulis at kanilang mga propagandista ay maraming hindi makapaniwala na sila ay lingkod ng mamamayan. Ang kanilang mga ginagawa ay kabaligtaran ng kanilang mga sinasabi. Sa tala ng ating kasaysayan, ang pulisya ay isa sa mga instrumento ng panunupil ng estado at pribadong interes na nagpapatakbo nito.

Naalala ba ninyo na kamakailan lamang ay dalawang medalyadong pulis ang nahuli matapos umano nilang pagbabarilin ang isang anti-crime crusader hanggang mamatay sa harap ng kanyang tahanan sa Mindoro? Ang mga pulis ay sakay ng isang motorsiklo at naka0disguise, tulad ng mga sinasabing vigilante na kaliwa’t kanan kung pumatay ngayon, nang mahuli.

‘Yan ba ang sinasabi ninyong mga bagong pulis? Nakatatakot ang pagbabagong ito.

Dapat papanagutin, posasan sa harap ng bayan, hiyain tulad ng ginagawa sa mga adik, tanggalin sa puwesto at parusahan ang nanagasang pulis. Isabay na rito ang mga pulis na kasama niya sa harap ng embahada na wala man lamang ginawa para siya ay awatin.

Mag-resign ka na rin Chief Supt. Albayalde… hindi ko akalain na bibigyan mo ng katuwiran ang maka-mikorobyong asal ng tao mo.

* * *

Nakikiramay ako sa aking kumpare na si Jerry Yap dahil sa maagang pagkawala ng kanyang kapatid. Si Pareng Jerry ay dating pangulo ng National Press Club at kasalukuyang publisher ng ilang sikat na pahayagan, tulad ng Hataw.

Muli ang pakikiramay ko at ng aking pamilya, lalo na ng iyong inaanak, sa iyo at sa mga naulila ng iyong kapatid.

* * *

Pang lima raw ang ating NAIA sa pinakamasamang airport sa buong Asya. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

beyond deadlines

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Rev. Nelson Flores, AB., LI.B.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *