MAHIGIT isang linggo na mula nang maganap ang anniversary concert ng Ang Probinsyano sa Araneta Coliseum pero hanggang ngayon ay bukambibiga pa rin ng mg manonood ang mga naganap doon at special mention ang stand-up comedy na ginawa nina Awra at Vice Ganda.
Tinawag na kutong lupa ni Vice si Awra pero sinabi naman ni Awra na siya raw ang bangungot ng kabataan ni Vice.
Tinuruan ni Vice si Awra para maging tunay na Unkabogable star at nakasunod naman si Awra sa mga patawa ni Vice.
Sabi ni Vice, kapag maganda raw, dapat marami kang sinalihang beauty contest. Marami na raw nasalihan si Vice pero ang tanong ni Awra, nananalo ba naman siya?
Tinuruan din ni Vice si Awra kung paano mag-intro kapag sumasali ng beauty contest. May bagong patawa si Vice. ”Hi, I’m Vice Ganda and I am proud to represent the Shoe Capital of the Philippines …”. “Marikina?” singit ni Awra.
“Shaw Boulevard,” patuloy ni Vice sa kanyang intro.
Si Awra naman ang sumubok. ”Hi, I’m Awra Briguela , 12 years old from the Summer Capital.”
“Baguio?” hula ni Vice.
”Hindi! Summer, Leyte,” patuloy ni Awra.
Joke lang naman ito at ‘wag seryosohin lalo na ng mga bata. Of course, ang Shoe Capital ay ang Marikina nga naman at ang Summer Capital of the Philippines of course ay Baguio City.
Pero ang Summer (Samar), hindi po siya sa Leyte.
Sa totoo lang, at a very young age, nakasusunod si Awra sa mga joke ni Vice (although alam kong medyo scripted ito) pero Vice Ganda ‘yan, may mga sing-along comedian na takot makasama si Vice sa entablado dahil nga ‘di sila makasabay sa bilis ng utak ni Vice na magbato ng mga punchlines.
May posibilidad na sisikat nang husto tulad ni Vice itong si Awra.
Promise!
Ang magada kay Awra, sa mura niyang edad, hindi na niya itinatago ang tunay na pagkatao. Mas okey nga ang ganito kaysa mga kakilala ko na kung kailan malalaki na ang mga anak, at saka pa lumantod ang mga hitad.
MAKATAS – Timmy Basil