BAGUIO CITY – Umaabot sa walo katao ang naitalang patay sa mga bayang sakop ng Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa bagyong Lawin.
Sa bayan ng Hungduan, Ifugao, patay ang dalawang binatilyo na natabunan ng lupa dahil sa landslide.
Habang isa ang nawawala na pinaniniwalaang nalunod sa ilog.
Narekober ang bangkay ng dalawang construction worker na natabunan ng lupa sa bayan ng La Trinidad, Benguet.
Habang may tatlong namatay sa bayan ng Kibungan makaraang maguhuan ng lupa sa loob ng kanilang bahay.
Kasama sa mga biktima ang isang sanggol.