GINGOOG CITY, Misamis Oriental – Natagpuang walang buhay at duguan ang isang 10-anyos batang babae makaraan gahasain ng dalawang binatilyo sa madamong bahagi ng Brgy. Bal-ason, Gingoog, City nitong Martes ng umaga.
Ang grade 5 pupil ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay mula sa kanilang paaralan nitong Lunes nang yayain ng suspek na si Ferlan Quiraban, 19, at 17-anyos kapatid para mamitas ng prutas sa hindi kalayuan.
Ngunit halinhinang ginahasa ng magkapatid ang biktima at pagkaraan ay pinatay. Ayon sa pulisya, ang sariling panty ng biktima ang ginamit ng mga suspek sa pagbigti sa bata.
Ang mga suspek ay nakapiit na sa Gingoog City Police Station. Inamin ng nakababatang suspek na runner siya ng shabu sa kanilang barangay.