Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Scarborough Shoal bubuksan ng China para sa mamamalakaya Filipino

SA pagbisita ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa China, isa raw sa napagkaisahan ng magkabilang panig ‘e ang pagpayag ng gobyernong singkit na papasukin ang mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough shoal.

Sa ganang atin, ito ay “adding insult to injury.”

Masakit ito sa dibdib ng isang leader ng bansa. Lalo sa isang  gaya ni Pangulong Digong na walang ibang inisip kundi ang isulong ang kapakanan ng bansa.

Pero mukhang tumataktika ang Pangulo upang lubos na maging alyado ang China.

Ang tanong nga lang dito, hanggang saan papasukin ng Chinese government ang mga mangingisdang Pinoy?!

Nakalulungkot na ang ipinaglalaban natin na mabawi ang Scarborough shoal, ay mukhang hindi mangyayari.

Pero hindi na nga mabawi, binibigyan pa tayo ng kondisyon kung hanggang saan puwedeng mangisda?!

Wattafak!

102016-duterte-xi-jinping

Sa haba ng panahon na kaalyado natin si Uncle Sam, ni hindi man lang naging sapat ang puwersa ng ating sandatahang lakas para mapangalagaan ang teritoryong nakatakda para sa atin.

‘Yan ‘yung sinasabi ni Pangulong Digong na sinasabi ni Uncle Sam na kinakalinga tayo pero hindi tayo pinagkalooban ng totoong malakas na armas.

At dahil wala tayong sopistikadong armas, ni hindi natin naipagtanggol ang ating kasarinlan na ilang panahon nang binu-bully ng China sa isyu ng Scarborough Shoal.

Sa ganang atin, mas mabuti pang makipagkaibigan sa inaakala nating nang-aagaw ng ating teritoryo gaya ng China pero tutulungan naman tayong imodernisa ang ating mga armas militar.

Kaysa sa Estados Unidos na pawang pambobola ang ginagawa sa atin.

For the meantime, let’s wait and see mga kababayan!

BARANGAY ELECTIONS
TULUYAN NANG IPINAGPALIBAN

071216 Comelec election vote

Napakasuwerte naman ng mga nanunungkulang barangay officials ngayon…

Napalawig pa nang isang taon ang kanilang panunungkulan matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pagpapaliban sa barangay elections hanggang Oktubre 2017.

Ang malungkot ngayon, ang constituents sa mga barangay na may abusadong barangay officials. May protection racket sa mga ilegalista at higit sa lahat mga operator mismo ng illegal gambling, illegal drug trade, tongpats sa vendor at tongpats o operator mismo ng ilegal terminal.

Huwag na tayong lumayo ng eksampol.

Diyan sa Lawton, hanggang ngayon, hindi mawalis-walis ng Manila city hall ang illegal parking ng mga kolorum na sasakyan.

Magkano ‘este ano ba talaga ang dahilan?

Sana ay ituloy na ni Pangulong Digong na i-appoint na lang ang mga barangay officials.

Sa ganoong paraan ay makatitipid pa ang pamahalaan.

Kahit walang eleksiyon sa barangay, sana ay mawalis na ang mga narco barangay officials at illegal activities operator.

Harinawa.

HINAING SA MTPB

090916-manila-city-hall-mtpb

Magandang gabi po, sana po matulungan nyo kaming mga vendors ng divisoria, tuloy tuloy pa rin po ang ginagawang koleksyon sa amin ng MTPB. Sobrang laki po!!!!! Nagreklamo na rin po kami kay chairman vacal pero wala ring nagawa. Mukha pong nabayaran na rin ang aming mahal na chairman kaya tumigil na sa pag iingay!!! Sa umaga mailag ang mga mtpb personnel, pero gising na gising sila sa gabi!!! Subukan po ninyong magtungo sa kahabaan ng recto avenue malapit sa bentahan ng prutas at gulay. Makikita po ninyo ang sandamakmak na mtpb sa kalsada ng recto ave., harap harapan ang kotongan na nagaganap!!!! Napakalaking halaga kada latag ng prutas at gulay!!! Maliit ang 1,000 (isang libo) kada lapag ng tinda… Hayyy.. Naku!!! Sila na lang ang bubuhayin namin!!!President duterte umaksyon ka na po!!! Mukha namang may basbas ni mayor erap ang nangyayari! Sabi ng mtpb personnel, mismong c mayor erap ang nagpababa sa kanila para lumuwang ang divisoria! Lumuwang nga ba!!??

– concern citizen.
[email protected]

OPLAN TOKHANG SA QUIRICADA,
ALMEDA ST., HUMIHINA!?

SIR Jerry, reklamo lang po namin ang pakalat-kalat na mga tambay dito maghapon-magdamag sa kahabaan ng Quiricada at Almeda St. Lumalagari po, iba’t ibang mukha sir, dinarayo po ang bentahan ng droga sa Tondo. Sir, sana po araw-arawin ang TOKHANG o kahit TOK-BANG (katok sabay Bang!?) sa mga notoryus na durugista at pusher lalo po rito sa aming lugar sa tabing ilog Quiricada at sa mga kamaganakan namin sa Almeda. Sa una lang masipag ang pulis dto na mag-oplan tokhang. Umaasa lng kasi cla sa listahan ng drug personalities ng barangay chairman. Kaya hndi nman nabawasan mga salot dto.

+639176228 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *