PATAY ang magkapatid makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa anti-illegal drug operation habang patay ang isang hinihinalang sangkot sa droga nang pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City.
Agad binawian ng buhay sa insidente ang mga biktimang sina Jessie Arceo at si Jojie Arceo, kapwa nasa hustong gulang, ng Sampaguita St., Green Valley Phase 5, Brgy. 178, Camarin habang nakatakas ang kasama nilang si alyas Kokoy, sa anti-drug operation ng mga pulis dakong 12:30 am sa nabanggit na lugar.
Habang dakong 9:45 pm nitong Lunes ng gabi, nakatayo sa kanto ng Julian Felipe at San Miguel Streets si Conrado Marcos, 48, nang dumating ang apat lalaking lulan ng motorsiklo at siya ay pinagbabaril.
( ROMMEL SALES )