Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipagdasal natin ang mag-inang Mark at Alma

BAGO pa man nahulihan ng marijuana, nakausap pa naming si Mark Anthony Fernandez. Nagulat pa nga kami dahil ibang-iba na ang aura niya, ang pogi-pogi, mala-brusko ang dating, astig at maangas, mas soft tingnan kompara kay Rudy Fernandez na tatay niya.

Pero natuwa naman kami dahil makikita mo sa kanya ‘yung pag-angat ng pagma-mature niya. Sa pamamagitan nito, nagbabalik ang icon na si Rudy sa katauhan ng panganay niyang anak na si Mark. Tiyak na matutuwa ito dahil may sumunod sa kanyang mga yapak. Bagamat nandiyan din ang dalawa pa niyang anak na sina Rap at Renz na gumagawa na rin ng pangalan. Mas naunang nakasunod si Mark sa yumaong ama sa larangan ng showbiz. Sa telebisyon, most especially sa GMA7.

Sayang at napasabay pa ‘yang pagbili ng marijuana ni Mark sa Angeles City, ngayong binabanatan ng mga bagong halal sa ating gobyerno ang droga. Maliit man o malaki, barya man o milyong-milyon na salapi, basta’t nahuli ka ng mga awtoridad, either kulong ka o timbog kung manlalaban ka pa. Kaya sa pagkakahuli sa checkpoint from Angeles City going to Manila, nandoon si marijuana sa sasakyan niya. At soon, alam na ninyo ang buong story, at ang huling news about Mark ay ang paglipat sa kanya sa Angeles City Provincial Jail.

Matibay na panalangin ang iukol natin para sa safety ni Mark Anthony. Take note, simula nang mahuli ang actor at makulong, ang fans, dagsa na nakapaligid sa harap ng municipal jail. Halos araw-araw ding naroon ang kanyang inang si Alma Moreno na balitang may inuupahan ng bahay para mapalapit sa anak. Panay daw ang iyak at puro masasarap na pagkain ang niluluto at dinadala sa kulungan.

Para kina Mark at Alma, malalampasan ninyo ang mga pagsubok na ‘yan basta keep on praying!

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …