ANG trabaho ng bagong unit na ito is to run after importers na may discrepancy sa mga duties and taxes for them to pay the right amount of their import goods.
Ang tanong nang marami sa FIU, bakit ang mga importer na may pagkukulang sa ibinayad na buwis ang hinahabol?
Hindi ba, the moment the customs examiner fixed his/her signature sa import entry certifying true and correct ang kanilang binayarang buwis, hindi ba dapat ang magpaliwanag dito ay customs examiner/appraiser handled the said importation during the processing and releasing?
Ano kaya ang masasabi ng mga customs lawyer sa isyung ito?
Tama ba o parang mali?
***
Ang transaction value ba ng isang kargamento ay tinatanggap pa ba ng customs?
Proof of payment or sale contract ang dapat ipakita para malaman ang actual value of the shipment.
Ewan lang natin kung ito ay nasusunod o ginagawa pa rin ang dating kinaugalian sa paggamit ng fake invoices and packing list to cover up the true value and content of a shipment during processing.
***
Marami pa rin ang sakim sa tara sa customs tulad ni alias DRACULA sa MICP na pinamumunuan ni Coll. Mel Pascual.
Ito ang dapat sampolan ni Faeldon, na kilalang corrupt sa customs!
Iparada sa pier at i-firing squad!
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal