Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mystica, nangangailangan ng tulong

 

NA-FEATURE ang paghihirap ngayon ng dating Rock Diva at Split Queen na si Mystica sa programang Frontrow. Isa kami sa nasubaybayan ang career ni Mystica (Rubyrose Villanueve sa tunay na buhay) at sa estado noon ni Mystica, ni sa hinagap ay ‘di ko akalain na aabot siya sa puntong walang-wala.

Nangungupahan si Mystica kasama ang kanyang partner na si Kid Lopez sa Gen. Trias, Cavite. Nang hindi na nakakaupa si Mystica, pinalayas siya. Mabuti na lang at may nagmagandang-loob sa kanya, ang FB friend niyang si Dovie San Andres na nagbigay ng pera para makalipat at makabili ng appliances.

Sumabay naman ang pagkaka-ospital ng anak ni Mystica na si Stanley na lumalaki ang tiyan. Na-confine ito sa Quezon City General Hospital at sa tulong din ni Dovie, naoperahan si Stanley at nakauwi na ngayon ng Tuguegarao, sa bahay ng ate ni Mystica na si Precy.

May natira pang pera sa ibinigay ni Dovie at sa suggestion din ni Dovie, ipina-bless ang bagong inuupahang bahay ni Mystica. Naging masaya ang tagpong iyon na pinagsaluhan ang mga niluto ni Mystica. May videoke at kumanta pa si Mystica ng Hindi Ako Isang Laruan.

Kinaumagahan, biglang may bumulagang video ni Mystica na humihingi ng antibiotics dahil sa iniindang sakit. Gusto ni Mystica na magpa-ospital pero naubos na yata ang pera na ibinigay ni Dovie.
MAKATAS – Tinny Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …