HALOS 20 katao na sumama sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang stranded kahapon sa Batanes.
Karamihan sa kanila ay miyembro ng media at maging ang media relations officer na nakatalaga sa Malacañang.
Ayon sa abiso, minabuting ipagpaliban na ang biyahe ng mga mamamahayag dahil sa epekto ng bagyong Karen at iba pang weather system.
Sinasabing ang kanselasyon ng flight para sa media ay ipinatupad base sa rekomendasyon ng military at private carriers.
Nabatid na agad nakaalis ang Pangulo bago pa sumama ang lagay ng panahon sa Batanes.