Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MCJ nagkagulo dahil sa warden

APAT na jail officers ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at 35 preso ang nasugatan nang magkagulo sa isinagawang protesta ng 200 miyembro ng “Batang City Jail (BCJ)” laban sa mismong warden nila sa Manila City Jail.

Akalain ninyong umakyat pa sa ibabaw ng bubong ng kanilang dormitoryo ang mga preso habang nagsasagawa ng noise barrage, laban sa utos na ihiwalay ang mga sangkot sa droga sa mga preso na nakagawa ng ibang krimen. Nakasulat sa mga banner na kanilang ibinulatlat ang mga salitang, “Palitan si warden. Pahirap sa preso.”

Ang noise barrage ay humantong sa riot at nagkabatuhan. Kinailangan pang gumamit ang jail officers ng rubber bullets laban sa mga nanggulo. Tatlong putok daw ng baril ang narinig mula sa loob ng MCJ. Natigil lang ang gulo nang dumating ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Special Weapons and Tactics (SWAT) at BJMP.

Sinuspinde tuloy ng BJMP ang pagbisita ng mga kaanak sa mga preso habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naganap na kaguluhan.

Ang warden na inirereklamo ay walang iba kundi si Jail Supt. Gerald Bantag.

Ayon sa mga kaanak ng mga preso ay nagbabanta si Bantag na papaslangin ang ilan sa mga nakakulong sa MCJ.

Nangangamba ang mga kaanak sa posibilidad na mangyari sa MCJ ang naganap na pagsabog sa Parañaque City Jail noong si Bantag pa ang namamahala rito. Mantakin ninyong inilipat pala si Bantag sa MCJ mula sa pagiging warden ng Parañaque City Jail matapos maganap ang pagsabog.

Sa gitna ng mga pagbabanta raw ni Bantag sa buhay ng ilang preso at ang biglaang desisyon na itambak sa isang lugar ang mga preso na nahuli nang dahil sa droga, masisisi ba natin ang mga preso at ang kanilang mga kaanak kung mag-alala o matakot sila na maulit ang pagsabog?

Marahil ay naimbestigahan nang husto ang naganap na pagsabog at napatunayan naman na walang kinalaman si Bantag sa naganap, kaya siya ay naipuwesto bilang warden ulit sa ibang piitan.

Ganoon pa man, hindi dapat balewalain ang mga inirereklamo ng mga preso, lalo na ang sinasabing pagbabanta raw ng warden sa buhay ng ilan sa kanila.

At kung pagsasamasamahin sila sa iisang lugar ay mas madali nga naman silang todasin nang sabay-sabay, kung sakaling may magbabalak nga na sila ay pasabugin.

Hindi naman masamang imbestigahan din si warden sa naganap, mga mare at pare ko, lalo na’t masasabing siya ang pinag-ugatan ng lahat ng kaguluhang naganap noong Huwebes ng umaga.

Pakinggan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …